Chapter 23

1.1K 20 0
                                    

Chapter 23

Annoyed

Paglabas ko pa lamang ng Business building ay sumalubong sa akin sina Evan, Gray, at Scarlet. Pasimple ko namang tiningnan si Zach na nasa gilid lamang at nanindig ang mga balahibo ko nang makasalubong ko ang titig niya.

"Sa'n ka sasabay Alexa? Ako na kila Gray, du'n ka na kay Zach."

Kunot-noong napatingin si Gray kay Evan dahil sa sinabi nito. Napakunot din ang noo ko dahil wala akong kaalam-alam sa sinasabi ni Evan.

"Huh?"

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa tatlo.

"Birthday ni Zach 'di ba? Tara na," natatawang sabi ni Evan.

Parang naumid naman ang dila ko dahil sa narinig. Saktong tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng aking skirt kaya kinuha ko ito para makapag-isip ng isasagot. Nagtext na ang driver na susundo sa akin na nasa tapat na siya gate.

"Ah kayo na lang, may gagawin pa kasi ako. Enjoy kayo."

Nagmamadali ko silang tinalikuran at naglakad na papalayo. Sumakay ako sa kotse at nahulog sa malalim na pag-iisip kinalaunan. Sinalubong ako ni Mommy pagkapasok ko pa lamang ng mansion.

"Hindi ka ba pupunta kila Zach, anak? Tumawag ang Tita Stef mo at hinahanap ka."

Umiling ako at pinilit na ngumiti.

"May gagawin pa po kasi ako, Mommy. Tatawagan ko po mamaya si Tita at Sabrina 'pag nakapagpalit na ako."

Tinitigan ako ni Mommy at walang imik siyang tumango. Nagpaalam ako na aakyat na sa aking kuwarto. Pagkatapos magshower at magpalit, kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Tita Stef at Sabrina. Alas syete na ng gabi at hula ko'y nagsisimula na sila sa party. Ilang ring lang ay sinagot na ni Tita ang tawag.

"Alexa, hija! Nasaan ka na?"

Nakagat ko ang labi ko.

"Hindi po ako makakapunta, Tita. May kailangan po kasi akong ipasang activity bukas, hindi ko pa po kasi tapos."

"May problema ba hija? May ginawa ba si Zach? Hindi ka na pumupunta rito sa bahay."

Rinig ko ang pagtatampo sa boses ni Tita na siyang nagpabigat ng damdamin ko.

"Wala naman po, Tita. Si Sabrina po?"

Rinig ko ang buntong-hininga niya sa kabilang linya.

"Ayun kumakain, sandali at tatawagin ko."

Narinig ko ang pagtawag ni Tita kay Sab at ipinaalam na tumatawag ako. Wala pang ilang minuto ay narinig ko na ang tili niya sa kabilang linya.

"Ate! Asa'n ka na po?"

"Hindi ako makakapunta, Sab. May ginagawa kasi ako e."

Hindi ko namalayan na madiin na pala ang pagkakakagat ko sa labi ko.

"Bakit ate, may LQ kayo ni Kuya?"

Umiling-iling ako kahit hindi naman niya nakikita.

"No, it's not that Sab. Marami lang talaga akong ginagawa ngayon."

Ilang minuto rin kaming nag-usap ni Sab at binalik niya kay Tita Stef ang telepono.

"Sige po, Tita. Ahmmm... Ano po.... Pasabi na lang po kay Zach, happy birthday."

Naalala kong hindi ko man lang pala siya nabati ngayong araw. Natapos ang tawag at napahiga na lamang ako sa kama habang nakatitig sa kisame.

Napatingin akong muli sa cellphone ko nang tumunog ito.

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now