Chapter 25

1.3K 23 0
                                    

Chapter 25

Still

Sumenyas ako sa bartender. Tumango naman siya at nagpatuloy sa paghahalo ng inumin. Binaba ko ang baso ng margarita na inisang lagok ko lamang kanina. Dumaloy sa lalamunan ko ang init ng alak na ininom. Napadukdok ako sa counter ng bar habang hinihintay ang order ko.

Ramdam ko ang pagvibrate ng aking phone sa dala kong maliit na shoulder bag. Kunot-noo kong kinuha sa loob ang kanina pa nag-iingay na telepono. Nagsalubong ang kilay ko nang makita kung sino ang may sala sa kanina pang pag-iingay ng telepono ko. 6 missed calls. Umismid ako at inend ang incoming call na mula sa kaniya. Inoff  ko ang phone at muling bumalik sa posisyon ko kanina.

"You're here again."

Napaangat ako ng tingin at umupo nang maayos nang marinig ang pamilyar niyang boses. Nginisihan ko siya nang magtama ang tingin naming dalawa.

"Bakit? Ayaw mo ba? Ayaw mo nu'n, may kita lagi ang bar ng Kuya mo at nakikita mo ako palagi. I'm doing you a favor."

I winked at him.

Nakita ko ang pagpula ng pisngi niya at iniwas niya ang tingin sa akin. Parang tanga! He had already confessed to me months ago pero nahihiya pa rin siya sa akin. Natawa naman ako at kinuha ang kalalapag na inumin ng bartender.

"Ano pong sa inyo, Sir Giovanni?"

Umiling lamang siya sa tanong ng bartender at umupo sa katabi kong upuan.

"Not going to drink today? How weak."

Nang-aasar na ngiti ang binigay ko sa kaniya. Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko, na mukhang wala lang sa kaniya.

"What time are you going home? Baka hinahanap ka na sa inyo. Ihahatid na kita."

Nagkibit-balikat ako at sumimsim sa aking margarita.

"Alexa, it's already nine in the evening. Wala ka bang balak na umuwi?"

"Mamaya na lang, ang aga pa kaya. You sound like my mother," natatawang sabi ko.

Bumaling siya sa bartender sa harap namin na nagpatuloy sa paghahalo ng mga inumin.

"Nakailan na 'to?"

"Anim po, sir."

Kunot-noo akong binalingan ni Gio.

"Umuwi ka na. Ihahatid na kita."

Sunod-sunod akong umiling.

"Ayoko pa."

Bumuntong-hininga siya at tinitigan ako. Pinabayaan ko siya at inubos ang aking inumin pagkatapos ay umorder ulit. Naramdaman ko ang pagkahilo sa pangwalong baso. Umaalon na ang paningin ko at parang gumagalaw ang paligid ko.

"Iuuwi na kita. Lasing ka na."

Agad akong umiling na siyang naging dahilan nang mas pagkahilo ko. Muntik na akong mahulog sa inuupuan ko kung hindi lang ako nahawakan ni Gio. Tumawa ako.

"I'm fine. When I was sixteen, I drank more than this. Kulang lang ako sa practice."

Tinapik ko ang kamay niyang nakahawak sa siko ko. Umorder akong muli ng isa pa. Hindi ko alam kung nakailan pa akong muli ng inom nang hindi ko na maiangat ang kamay at katawan ko nang dahil sa kalasingan. Dumukdok na lamang ako sa counter habang naririnig kong parang may kumusyon na nangyayari.

Ipinagsawalang-bahala ko na lamang at naramdaman ko ang pagkakaangat ko sa ere.

Magpoprotesta na sana ako nang maamoy ko ang pamilyar niyang amoy, na siyang nagpakalma sa sistema ko. Pumikit na lamang ako at kumapit sa damit ng bumuhat sa akin.

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now