Chapter 33

1.4K 27 0
                                    

Chapter 33

Back

Alex is a smart kid. Mabilis niyang maintindihan ang mga bagay-bagay sa edad niyang apat na taong gulang lamang.

Napapanatag na lang ang loob ko dahil hindi pa siya nagtatanong kung nasaan ang Daddy niya. Kapag nangyari ang bagay na 'yun, hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. I don't know if I will lie to him or tell him the truth.

Papunta pa lamang sa airport ay naging emosyonal na ako. Hindi ko napigilan ang pagluha dahil sa naiisip kong magkakahiwalay kami kahit ilang linggo lang naman iyon.

"Mom, stop crying. It's just two weeks. Parang ako naman po ang aalis kung makaiyak ka po."

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya at parang baliw na iiyak at tatawa. I can't help it. This was the only time that we were apart for this long.

"It's just that I will miss you, baby."

"I will miss you too, Mommy."

He kissed me on the cheeks and flashed a sweet smile. I smiled back. Kanina ko pa napapansin na hindi niya na pinapansin ang pagtawag ko sa kaniya ng baby. Naiiyak na naman ako nang maisip kong mamimiss niya ako at gano'n din ako sa kaniya.

Narinig namin ang busina ng kotse mula sa labas. Bumukas ang pinto at pumasok ang maghahatid sa amin.

"Let's go."

Tumambad si Cole sa harapan namin. He's tossing his car keys in the air.

"Let's go, Papa. The condo might end up getting flooded by Mommy's tears if we stay here any longer."

Natawa na lamang kami sa sinabi ng anak ko at sumakay sa kotse. Sumakay ako sa passenger seat habang sa backseat naman si Alex. Si Cole naman ang nagdadrive.

"Thanks, Cole."

"It's fine. What are friends for? Saka may bayad 'to," nagbibiro niyang saad.

Napailing na lamang ako at natawa. Naging masaya ang biyahe namin papuntang airport. Kuwentuhan habang pinapalipas ang oras. Hindi namin namalayan na nasa airport na pala kami kinalaunan. Bumalik na naman ang pagkaemosyonal ko nang huminto na ang sasakyan.

"Don't cry, Mom, just go. Babalik ka naman po e."

"Babalik ako agad anak. Basta huwag mong kakalimutan ang mga sinabi ko sa'yo. Huwag mong..."

"Hahayaang basa ang likod ko. Eat nutritious foods. Sabihin ko lang kay papa kung may kailangan ako. You said it a hundred times, Mom, I already memorized it."

Natawa na lamang ako.

"I will call you every day. I will miss you, baby. I love you."

"I love you too, Mommy."

Nagyakapan kaming muli. Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kaniya dahil ilang linggo ko rin siyang hindi mayayakap ulit.

"Mom, stop it. Just go."

"I feel bad, baby. Pinapaalis mo na ako. Hindi mo ba ako mamimiss?"

"Mom, how many times did I tell you that I would miss you? I love you, Mommy."

"I love you too, baby."

I kissed and hugged him again, and with that, I bid farewell to him and Cole. The waving figure of my son was the one I saw when I looked back in his direction. He looked handsome and cute, wearing his navy blue polo shirt and denim jeans. He was smiling while waving at me, but I could see through him when I looked into his eyes.

Napabuntong-hininga ako at kumaway din pabalik sa kaniya. I promise baby, babalik ako kaagad at isasama na kita. Pumasok ako sa loob at naghintay para sa flight ko.

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now