Chapter 27

1.2K 23 0
                                    

Chapter 27

Business

The preparations for the wedding passed like a whirlwind. Hindi ko namamalayan ay kasal na kaming dalawa. Nagkakasiyahan ang lahat. Mababakas sa kanilang mga mukha ang saya dahil sa mga ngiti na nasa kanilang mga labi.

Kasalukuyan kaming narito sa reception ng kasal namin ni Zach. Sa ilang buwang paghahanda ng kasal namin ay sa wakas nangyari na rin ang pinakaaasam kong mangyari. The wedding was grand, katulad ng gustong mangyari ng mga magulang namin. Lahat ng gusto kong mangyari sa kasal ay nasunod din. Well, wala namang reklamo si Zach at sumang-ayon lamang sa mga gusto kong mangyari para sa kasal.

Napatingin ako sa katabi ko, malapit lamang siya sa akin. Asawa ko na siya. Hindi ko mapigilang maging masaya kahit hindi naman sa kadahilanang mahal niya ako kaya pumayag siyang makasal sa akin. It's just business for him, alam ko. At bilang anak, sinusunod niya lang din ang gusto ng kaniyang mga magulang.

Naayos na rin ang problema namin sa kompanya sa tulong nila Zach. Everything is in its proper places now, but I'm not sure if I'm in the right place. It feels so wrong dahil alam kong kasanduan lang ang lahat ng ito, but it also feels right because I am his wife now. Wala na akong ibang mahihiling pa.

Lumapit kami sa iba pang mga bisita para batiin sila at magpasalamat. Nagtagal din ako roon para makipag-usap at nagpaalam din kinalaunan. Kinausap ni Zach ang mga business partners at iba pang mga kliyente. Naghiwalay kami para mabati ang iba pang mga bisita.

"Congratulations!"

Napatingin ako sa pinsan ko na may nakapaskil na ngiti sa kaniyang labi. She's wearing a white dress na nagpapakita ng magandang hubog ng kaniyang katawan. It also emphasized her tan skin. Straight na straight din ang kaniyang medyo may pagkabrown na buhok. Intimidating ang tangkad niya na mas nadagdagan pa nang dahil sa high heels na suot. Well, that's the supermodel, Tulip Lauren Mendoza for, you. Nginitian ko rin siya pabalik. Despite her busy schedule, she made time to attend my wedding.

"Salamat, Tulip."

Mas matanda siya sa akin ng ilang taon pero mas gusto niyang tawagin ko na lamang siya sa pangalan niya.

"How are you? Magtatagal ka ba sa Pinas?"

Umiling siya. Napatingin ako sa banda ni Zach at nagkasalubong ang tingin namin. Ramdam ko ang malakas na pagtambol ng puso ko sa loob ng dibdib ko. Mariin siyang nakatitig sa akin. Napalunok ako. Nawala rin ang tingin niya sa akin nang may kumausap sa kaniyang bisita. Tumaas ang kilay ko nang makitang babae ang kumausap sa kaniya at pasimple pa nitong hinawi ang buhok niya.

He's flirting with my husband! Umalis din naman ang babae at napahinga ako nang maluwag. Ang sumunod na kinausap ni Zach ay ang grupo na ng may edad na mga bisita. Tinuon ko naman ang pansin kay Tulip at panaka-naka pa ring tumitingin kay Zach.

"Ayos lang naman. Patatapusin ko lang ang kasal mo, pagkatapos ay luluwas na ulit ako."

Nalungkot ako ngunit tumango na lamang. When I was in the U.S., kami lagi ang magkasama. We partied, made friends, got drunk and enjoyed the night. Mas naging close kami noon, ngunit hindi na masiyadong nakapagkita nang umuwi kami ng Pilipinas dahil mas naging busy na siya sa trabaho niya.

"Tulip, anak, your cousin is already married. Kailan ka naman magpapakasal? Matanda na kami ng Daddy mo, gusto na namin ng apo," sabi ni Tita Lily nang lapitan kaming dalawa.

Umasim ang mukha niya at sumimangot sa ina.

"I'm still twenty-four, Mom. Why are you so excited to marry me off?! Kung gusto niyo ng apo, kay Thorn kayo humingi."

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now