Chapter 28

1.2K 20 0
                                    

Chapter 28

Heartless Monster

Nilapag ko sa mesa ang adobong manok na katatapos kong lutuin, na siyang panghuling putahe na lulutuin ko ngayong araw.

Medyo magaling na ako sa pagluluto at hindi na lamang puro pagbi-bake.

Tiningnan ko ang oras at nakitang alas kuwatro na ng hapon. May oras pa akong maghanda.

I wanted to surprise him. Napangiti ako, hanggang sa nauwi ito sa mapait na ngiti nang may maalala. Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang naisip. Dapat masaya lang ako ngayon dahil importeng araw ito.

Pagkatapos kong ayusin ang mga kakailanganin, naligo na ako. Nagsuot ako ng isang formal dress at hinintay si Zach. Nasa mesa na ang lahat ng handa pati na rin ang cake na talagang pinagtuunan ko ng pansin. Ngiting-ngiti ako habang binabasa ang nakasulat rito. Tiningnan ko ang oras at alas singko na pala. Malapit nang dumating si Zach.

Ngunit, ilang oras na ang lumipas at alas otso na ng gabi wala pa ring Zach na dumarating. Kinabahan naman ako dahil sa ganitong oras ay matagal na siyang nakarating, ngunit ngayon ay wala pa. Nakalimutan niya kaya? O talagang hindi niya lang inalala?

Sinubukan ko siyang tawagan ngunit walang sumasagot sa telepono niya. Kinabahan na ako. Sinubukan ko namang tawagan si Andrew, ang sekretarya niya, at sumagot naman ito.

"May meeting pa si Mr. Montello ma'am, nasa opisina pa lang po siya. Ipaalam ko na po ba na tumatawag kayo?"

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko naman kung ano na ang nangyari. Napangiti akong muli.

"Huwag na, gusto ko siyang sorpresahin."

Sumang-ayon naman ang sekretarya. Nagpaalam ako at pinatay ko na ang tawag.

Tinakpan ko muna ang mga pagkain at nilagay sa ref ang iba.

Napagpasiyahan kong pumunta sa kompanya. Tanaw ko ang malaking sign ng MM Hotels and Resorts sa harapan, pagkababa ko ng taxing sinakyan. Napangiti ako.

Nakarating ako sa harap ng kompanya at nakita kong kakaunti na lang ang mga empleyadong naroon; nakauwi na ang iba dahil anong oras na rin kasi. Naggreet sa akin ng magandang gabi ang guard na siyang tinanguan ko naman.

Si Zach na ang nagmanage ng kompanya simula nang maggraduate siya, habang ako naman ay pinagtuunan na lang ng pansin ang resort. Siya na ang CEO ngayon kaya hindi na ako nagtataka kung lagi siyang wala sa bahay dahil sa trabaho.

Sinalubong ako ni Andrew pagkapunta ko sa topfloor kung nasaan ang opisina ni Zach. Matangkad ito at pormal na pormal sa suot na suit. May suot din na spectacles at mukhang mas matanda lang nang kaunti sa akin.

"Good evening ma'am. Ipapaalam ko po ba kay sir na narito kayo? Sinabi niya po kasing huwag muna akong magpapasok habang nasa meeting siya ngayon."

Tumaas ang kilay ko dahil sa narinig. Huwag magpapasok? Dati-rati naman ay malaya akong nakakapaglabas-masok sa opisina, may meeting man siya o wala. Zach didn't mind it at all. Napaatras naman si Andrew nang makita ang reaksyon ko kaya nginitian ko siya.

"Gano'n ba? Hihintayin ko na lang siya rito sa labas kung gano'n."

Mukhang napahinga siya nang maluwag sa narinig mula sa akin. Naghintay na lamang ako sa waiting area at nagmasid sa paligid para maalis ang boredom ko. Ngunit, kalahating oras na ay hindi pa rin bumubukas ang pinto ng opisina ni Zach; nakapagserve na rin ng ilang kape at meryenda si Andrew sa akin.

"Andrew," tawag ko sa sekretarya.

Agad naman itong lumapit sa akin.

"By the way, sino ba ang ka meeting niya? Bagong kliyente? Importanteng tao?"

Heartless MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon