Chapter 7

1K 19 2
                                    

Chapter 7

Angry

Kinabukasan, maaga akong nagising at pumasok ng University. Sinuot ko ang bago kong bili na mga damit kahapon.

"May partner ka na ba sa activity natin?"

Natigil siya sa pag-aayos niya ng kaniyang mga gamit at tumingin sa akin. Her oceanic eyes met mine.

"Wala pa," mahina niyang sagot sa tanong ko.

"Then, be my partner," medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig din ng iba pang estudyante na papalapit sa amin.

Agad naman silang lumayo nang marinig at maintindihan ang ibig kong sabihin. Our teacher gave us an activity and it's by partner. Wala akong magustuhang maging partner sa classroom, and Rain is the only one that is bearable for me. She looked responsible on her studies at mukhang maasahan naman siya, plus the fact that I'm quite intrigued by her.

"Sige..."

Tumango ako at inayos na rin ang mga gamit ko.

"Where do you want to do it?" tanong ko habang pinapasok sa bag ko ang mga ballpen at notebook.

"Sa library na lang. May mga libro rin doong mapagkukuhanan natin ng mga impormasyon at ideya."

Tumayo siya nang maayos niya na ang mga gamit niya at mukhang hinihintay na lamang ako. Tumango ako at sumang-ayon sa gusto niya. Kinuha ko na rin ang bag ko at pumunta na kami sa library para gawin ang activity.

We divided the tasks para mas madali kaming matapos. She seems intelligent and she knows what she's doing. I watch her as she reads the book she's holding. Nakita ko ang pagkunot ng noo at ang pagtaas ng kilay niya, na bigla ring nawala. Bago sa akin ang ekspresyon niyang iyon. Completely different from her timid facade.

"May dumi ba ang mukha ko?" mahina niyang sabi habang nakatingin sa akin.

Back to your timid facade, huh? Umiling lamang ako at nagpatuloy siya sa pagbabasa. I raised my eyebrow and continued to do my task. She's a tiger in a kitten's clothing. You are silly, Alexandra! It should be a wolf in sheep's clothing! Well, I want to become authentic!

Nagpatuloy kami sa ginagawa hanggang sa natapos namin ang mga dapat gawin. The bell rang, which indicates it's time for lunch.

"You're going to the cafeteria?" tanong ko pagkatapos naming maayos ang mga ginamit namin.

Umiling naman siya at umayos ng tayo.

"May gagawin pa ako. It's nice working with you."

Tumango ako. Ilang sandali lamang ay nagpaalam na siya. I started to walk to the cafeteria. Kaway nanaman ni Scarlet ang bumungad sa akin pagpasok ko. Malayo pa lamang ay napansin ko nang wala ang taong hinahanap ko sa kanilang mesa. Lumapit ako sa kinaroroonan nila.

The group is seated in their usual seats and table, but one thing is missing: Zach. Napatitig pa ako ng ilang segundo sa upuan niya.

"Zach has something to do," si Evan pagkatapos niyang isubo ang kaniyang pagkain.

Parang alam niya na kung sino ang hinahanap ko.

Ang isa sa mga staff ng cafeteria ay nilagyan na ng pagkain ang tapat ng upuan ko. Tahimik naman akong umupo.

"Sa tuwing pupunta ako rito, may pagkain nang nakahanda. I'm completely aware that food in the cafeteria is not free. Saan ako magbabayad?" tanong ko pagkatapos pulutin ang kutsara at tinidor.

Napatingin si Gray sa akin at ngumisi.

"No need, Alexa. Ako na ang bahala."

Rinig ko naman ang pag-ismid ni Evan na nasa tabi ni Eliza.

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now