Chapter 19

1K 24 0
                                    

Chapter 19

Girlfriend

My mind went blank. Basta namalayan ko na lang na hawak ko na pala ang buhok ng babae at hinihila ko na ito. Naalis na siya sa pagkakaupo sa kandungan ni Zach at humawak na rin sa buhok ko para sabunutan ako pabalik.

Inawat naman ako ni Gray at Evan at sa babae naman si Zach.

"How dare you!"

Dinuro ko ang babae habang habol ko ang aking hininga. Magulo na ang buhok niya at alam kong gano'n din ako. Nagkalat ang lipstick sa labi at pisngi niya habang gano'n din si Zach na nasa kaniyang tabi.

"Alexa, kumalma ka muna. Lumabas muna tayo."

Iniwas ko ang kamay kong hahawakan sana ni Evan. Sinamaan ko siya ng tingin at pinunasan ang tumakas na luha sa aking mga mata.

"Kalmado naman ako ah! At saka bakit ako lalabas?! Kailangan ko pang kausapin ang malanding babaeng ito!"

Tinuro kong muli ang babae at sinamaan ito ng tingin. Para siyang kawawang-kawawa na nakakapit kay Zach habang blangko lang naman ang tingin nito sa akin.

"Alexa, sa labas muna tayo. Kalmahin mo muna ang sarili mo."

Sinubukang muli ni Evan na hawakan ako ngunit iniwas ko ang kamay ko.

"Hindi nga ako lalabas! Hindi ako lalabas hanggang hindi aalis ang babaeng 'yan! Kalmado ako okay?!"

"Leave," parang yelo sa lamig ang boses ni Zach nang sabihin niya iyon.

His stares were like daggers.

"Ano pang ginagawa mo? Lumayas ka na!" sigaw ko sa babaeng kasama niya.

"You're the one I'm talking to, Alexandra. Leave."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig mula sa kaniya. My eyes widened in shock. I looked at him.

"Leave. Now," madiin niyang sabi.

"I don't want to! Hindi ako basta-basta aalis dito! Paalisin mo muna ang babaeng 'yan!"

"My girlfriend will stay here."

Napahakbang ako papalapit sa kaniya ng isang beses.

"Sorry, come again?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Nagpakawala ako ng isang pilit na tawa.

"Did I hear it right? You're kidding, right?"

Tiningnan niya lamang ako. Napatingin ako sa babaeng nasa tabi niya na nakakapit sa braso niya at nakangisi sa akin.

"You heard it right. You will leave voluntarily, o ako mismo ang mag-aalis sa'yo dito?"

"Zach," may pagbabanta sa boses ni Gray nang tawagin niya ang kaibigan.

Nahinto ako. Parang may maraming karayom na tumusok sa puso ko.

"I am giving you an option, Alexandra. You will leave now or I will have you blacklisted from this building."

His words were like daggers digging into my flesh. His eyes looked like a storm was yet to come and his hand was balled into a fist.

"I will not allow that. She's Scarlet's friend," madiing sabi ni Gray.

"Don't do this, baka pagsisihan mo," dagdag naman ni Evan.

Hindi sila pinansin ni Zach at matalim niya akong tiningnan.

"Leave, Alexandra," madiin niyang sabi.

Hindi ko na nakayanan pa ang kirot sa dibdib ko kaya tinalikuran ko na sila bago pa nila nakita ang pagpatak ng masaganang luha sa aking mukha.

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now