Chapter 21

1.1K 19 0
                                    

Chapter 21

Tie

Muntik na akong mapatigil nang makita kong makakasalubong ko si Zach, ngunit nagpanggap akong hindi ko siya nakita at nagpatuloy sa paglalakad kahit malakas na ang pagkabog ng dibdib ko.

Diretso lamang ang tingin ko habang ramdam ko ang titig ng mga tao sa akin. Ano bang problema ng mga 'to? Nang malampasan ko na siya ay ramdam ko ang pagkalma ko nang kaonti habang napasinghap naman ang mga tao sa paligid at ang iba ay nagsimula na sa pagbubulung-bulungan. Itinuloy ko na lamang ang paglalakad ngunit napatigil nang may tumawag sa akin.

"Alexa!"

Napatingin ako sa likuran ko kung saan nanggaling ang boses na tumawag sa akin. Nakita ko ang isang matipunong lalaki na kumakaway sa akin. Hindi sinasadyang nagkasalubong ang tingin namin ni Zach na nakatayo pa rin sa kung saan ko siya nakasalubong kanina. Ang lamig na naman ng mga tingin niya.

Ako na lang ang unang pumutol sa tinginan naming dalawa dahil nakakaramdam na naman ako ng kirot sa puso ko. Hinintay kong makalapit sa akin si Cole.

"Papasok ka na?"

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Nagsimula na namang magbulung-bulungan ang mga estudyante. Nagpatuloy ako sa paglalakad at gano'n din siya. Hindi ko na lang pinansin ang mga nagbubulung-bulungang mga estudyante dahil sanay naman na ako.

"Do you have plans this afternoon? Lunch?"

Ilang linggo na rin ang lumipas nang una kaming nagkakilala. Ibang-iba siya sa first impression ko. Akala ko sobrang seryoso niyang tao dahil parang gano'n nga siya nung una ko siyang makita dahil sa mga mata niya, ngunit kabaliktaran pala. Palakuwento siya at masayahin din.

"Kasabay ko 'yung kaibigan kong si Rain mamaya."

Napapansin ko nitong mga nakaraang linggo na parang nawawala sa sarili niya si Rain kaya gusto kong isabay sana siya sa pagkain. Kahit hindi ko pa siya natanong at hindi pa pumapayag, sigurado naman akong mapipilit ko iyong sumabay sa akin.

Napahinto si Cole sa sinabi ko.

"Ah, ayos lang."

Napakunot-noo ako. Parang hindi pa siya sigurado sa sinabi niya. At parang hindi siya payag sa reaksyon niya. Pinagsawalang bahala ko nalang iyon.

Hinatid niya ako sa room ko at pumasok na rin siya sa kaniya. Magkatabi lang ang mga room namin. Nagpaalam na siya at habang papasok ako sa classroom, nakatingin na naman ang mga classmate ko sa akin at nagsimula na naman silang magbulung-bulungan. Hindi ko na lang ulit sila pinansin.

Maya-maya lang ay dumating na si Rain na parang puyat na puyat at hindi pa nakatulog. Tulala ito at agad-agad na umupo sa kaniyang upuan. Nilapitan ko siya at kinalabit.

"Rain..."

"Ay palaka!"

Nagulat ko ata siya dahil napaangat pa siya sa pagkakaupo.

"Bakit ka naman nanggugulat?"

Nakahawak pa siya sa bandang dibdib niya kung nasaan ang kaniyang puso.

"Kinalabit lang kita, hindi kita ginulat. Tulala ka na naman. Anong problema?"

Agad siyang umiling at binigyan ako ng isang tipid na ngiti.

"Ikaw? May problema ka ba?"

Napanguso ako dahil iniba niya ang usapan. Rain loves to help us with our problems while she deals with her problems alone. Kahit anong pilit mong tanungin kung anong problema niya ay hindi niya sasabihin.

"Si Zach?"

Nagkibit-balikat ako.

"Nothing's changed. Gano'n pa rin."

Heartless MonsterDär berättelser lever. Upptäck nu