Chapter 2

1.9K 32 0
                                    

Chapter 2

Zach

Sumakay ako ng taxi papauwi sa mansion. After 127544513 years nakauwi rin ako. Just kidding, I'm being exaggerated now because of the roller coaster of emotions I've felt earlier.

Pumasok ako sa loob at sinalubong ng isa sa mga kasambahay.

"Nandito ka na pala, Ma'am," bati niya at ngumiti pa.

"Hindi, picture ko lang 'to."

Napayuko siya dahil mukhang napansin niya ang pagkasarkastiko ko. Napapikit na lamang ako nang marealize kong sa kanya ko nailabas ang inis ko. I heaved a sigh.

"Gawan mo na lang ako ng orange juice. 'Yung fresh."

I feel sorry for her dahil akala niya sa kaniya ako naiinis. Mukhang natakot siya ngunit hindi ko na lang pinansin. I don't know how to say sorry. I've never said that word before.

"Opo, Maam," tumango siya at dali-daling pumunta sa kusina.

"Anak! Ano na namang ginagawa mo sa mga kasambahay natin?"

Umupo si Mommy sa katapat kong sofa na siyang nakapagpabuntong-hininga sa akin. Mabuti na lamang at hindi ko na siya kailangang hanapin pa.

"It's their job, Mom. Anyway, ikaw ba ang nagpafreeze ng bank account ko, Mommy?"

"I guess so."

Kumulo ang dugo ko at nag-init din ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Bumalik na naman sa akin ang nangyari kanina. Ang usap-usapan at bulung-bulungan ng mga tao pati na ang pagkapahiya ko.

"But why? Hindi niyo ba alam na sobra akong napahiya? Ang dami pang nakapila kanina. Ang dami kong pinamili, but my fucking credit card is not working!"

"Alexandra Danisse! Don't cuss! And don't forget, na may kasalanan ka pa!"

Nakataas na ang kilay ni Mommy na nagpapahiwatig na naiinis na siya sa inasal ko pero walang makakatalo sa inis na nararamdaman ko ngayon.

"Dealing with a declined credit card while holding up a long line of customers at the cash register is embarrassing, Mommy!"

Napasabunot na lamang ako sa buhok ko at napapadyak.

"I's not my fault, Mom! They started it, and I had nothing to do with it. Ipinagtanggol ko lang ang sarili ko! So ako ang tama!"

"Tama ba ang pakikipag-away Alexa?"

Ngayon lang niya inungkat ang nangyari kagabi dahil siguro naiinis na talaga siya sa pagsagot-sagot ko. Kapag may nagagawa naman akong mali ay hindi na inuungkat pa iyon ni Mommy.

"Birthday ni Iza kaya kami nando'n, Mom."

Na kung saan ay pinagsisihan kong pumunta pa ako.

"Sobra-sobra ang kamalasang nangyari sa akin ngayon Mommy. Tingnan mo nga 'tong sandals na pinakafavorite ko Mommy, pudpod na, binili pa mandin natin 'to sa France."

Muntik pa nga akong nadapa dahil hindi ko tinitingnan ang dinaraanan ko dahil sa pag-iisip sa mga nangyari kanina.

"Tama na nga ang kaartehan mo anak. You're already sixteen, stop acting like a brat. And yes, ako ang nagpautos na ifreeze ang account mo."

Napasandal na lamang ako sa sofa at napapikit. My mother really knows how to control me.

"Sinabi ko naman sa'yong huwag ka munang lalabas and reflect on your actions, pero 'di mo ako pinakinggan. 'Yan tuloy, napilitan akong gawin ang bagay na iyon."

"Ahh!"

Inis akong napapadyak.

"Go to sleep. May party pa tayong pupuntahan mamaya."

Heartless MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon