Chapter 20

1.4K 26 3
                                    

Chapter 20

Andrea and Cole

Mabibigat ang hakbang niya nang tumungo siya sa pinto. He's fuming with anger. His brow furrowed, and his lips formed a thin line. Malakas niyang kinalampag ang pinto.

"Sabrina! Open this damn door or I will tell Mom and Dad about the boy you kissed yesterday!"

Agad bumukas ang pinto at bumungad si Sabrina na nakanguso.

"It's just on the cheeks, Kuya! Sabi mo hindi mo sasabihin kay Mommy at Daddy!"

She stomped her feet like she was throwing a tantrum.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama. Lumapit ako sa pinto at ramdam ko ang tingin ni Zach sa akin.

"I'm sorry for disturbing you. Sab, tara na sa kuwarto mo."

Kunot-noo akong tiningnan ni Sabrina. Tumaas ang isa niyang kilay at bumaling sa nakakatanda niyang kapatid malapit sa akin.

"What did you do to Ate Alexa, Kuya?!"

Umiling ako at ngumiti.

"Nothing Sab, nag-usap lang kami. Tara na. You said you wanted to watch Barbie in the pink shoes, right? Tara na, nandiyan na ang sundo ko mamaya."

Hindi ko na siya tiningnan pa. Kinuha ko na lamang ang kamay ni Sab at marahang hinila.

"Tell me, Ate, what really happened between you and Kuya? Sinaktan ka ba niya?"

Sobrang sakit Sab. Hindi ko alam kung paano pa ako nakakaarte na okay lang ang lahat. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas na huwag umiyak sa harapan mo. Ngumiti lamang ako at umiling.

Ilang oras din kaming nagmovie marathon bago dumating ang sundo ko.

Agad akong sumalampak sa kama nang makarating ako sa kuwarto ko. Hindi ko na pinigilan ang kanina pang gustong lumabas na mga luha. I cried myself to sleep.

Pumasok ako sa sumunod na araw na hindi pumupunta sa Engineering Department. Pinilit ko talaga ang sarili na huwag pumunta roon dahil hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi niya noong nakaraang linggo.

Pumasok ako at umupo sa aking upuan. Nagbubulung-bulungan ang mga kaklase ko. Hindi na sana ako makikinig nang marinig ko ang pangalan ni Zach.

"Oo, nakita ko kanina si Zach kasama niya 'yung transferee."

"Sigurado ka ba? Baka nagkasabay lang."

"Sigurado ako, nag-uusap pa nga sila."

"Bago na namang girlfriend?"

"Hindi ko maintindihan si Zach. Mas maganda naman si Alexa sa mga naging girlfriends niya, bakit hindi niya gawing girlfriend?"

"Tumahimik ka nga diyan mamaya marinig ka."

Napatingin sila sa paligid. Nang nakita nila ako ay bigla silang nanigas at kita ang takot sa kanilang mga mukha. Napaiwas sila ng tingin at umayos nang upo.

Hindi ko na lang sila pinansin. I rested my head on the table. Wala ako sa mood para makipagbangayan sa kanila.

Totoo ang mga sinasabi nila, matagal na akong naghahabol kay Zach pero mukhang hindi niya talaga ako papansinin. Parang halos lahat na ata nang magagandang babae dito sa University ay naging girlfriend niya na.

Parang pinamumukha niya sa akin na lahat idedate niya maliban sa akin kaya sa tuwing may sinasabi silang girlfriend niya ay inaaway ko.

Pumunta na lang akong mag-isa sa cafeteria, ngunit natigil nang makita ko si Zach na may kasabay na babaeng kumakain doon.

Heartless MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon