Chapter 11

1K 19 0
                                    

Chapter 11

Care

Napahigpit ang hawak ko sa pantalon kong suot at ibinaling ang aking tingin sa ibang banda. Ilang minuto rin kaming tahimik na dalawa at ang tanging naririnig lamang ay ang aming mga paghinga. Napatingin kami sa pinto ng clinic nang bumukas ito at iniluwa ang nurse.

“Ms. Mendoza, puwede ka nang pumasok sa klase mo. Maayos at malinis na ang sugat mo, hindi naman siya gano’n kalalim kaya wala kang dapat ipag-alala.”

Tumango ako bilang sagot at hindi na lamang binanggit ang pagkahilo ko kanina nang tumama ang ulo ko sa sahig dahil maayos naman na ang pakiramdam ko at hindi na ako nahihilo.

“Let her stay here. She should rest.”

Gulat akong napatingin kay Zach dahil sa apela niya sa sinabi ng nurse. Matiim siyang nakatingin sa akin na para bang inoobserbahan ang bawat kilos ko. Kagaya kanina, his brown eyes looked darker and his lips were formed into a thin line.

“Pero Zach, okay naman na ako sabi ng nurse. Hindi naman malala ang nangyari sa akin kaya pwede na akong pumasok sa klase. Nakapagpahinga naman na ako e.”

I made an awkward laugh after my statement, but Zach’s expression didn’t change at all. Tumingin siya sa nurse at base pa lamang sa tingin niya, mukhang hindi magbabago ang isip niya.

“You should check her again, see if she’s really okay.”

Nangingiti naman ang nurse nang tumigin sa akin, na siyang nakapagpainit ng pisngi ko.

“I can assure you, Mr. Montello, that she’s fine. If you want her to stay here to rest, then I will notify her teachers for that matter. I will now take my leave.”

I gave my thanks to the nurse, na siyang sinuklian niya ng makahulugang ngiti. Napakagat na lamang ako sa labi ko para pigilin ang namumuong ngiti sa aking labi. Napasinghap ako nang maalalang nalaman ng disciplinarian ang nangyari kanina kaya baka kailangan nila ako ngayon for that matter. Nakuha ko naman ang atensyon ni Zach dahil doon.

“Baka kailangan ako sa disciplinary office.”

I am expecting na may punishment din ako sa nangyari dahil in the first place, gumanti rin ako du’n sa babae at nakipagsagutan sa kaniya, na siyang nagpalala ng situation.

Zach licked his lower lip. That made my heart go mad. Napalunok ako at napaiwas ng tingin sa banda niya. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagtingin sa aking newly manicured nails.

“Just rest and let me do the rest.”

Hindi ko na maawat ang puso ko dahil sa mabilis na pagtibok nito dahil sa sinabi niya. Tumango na lamang ako bilang sagot at hindi na nakapagsalita pa o magbigay ng pasasalamat nang umalis siya.

Napabuntong-hinga na lamang ako at muling humiga sa maliit na kama ng clinic. Hindi ko namalayang nakatulog akong muli at nagising na lamang nang may gumising sa akin. Sumalubong sa akin ang nakangiting nurse na may hawak na tray kung nasaan ang isang mangkok ng porridge at isang baso ng gatas.

“Iniwan ng boyfriend mo ang mga ito para sa’yo. May binigay din siyang biscuits para sa meryenda mo.”

Inilapag niya ang mga pagkain sa isang overbed table. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya at sa pagkaing dala niya.

“Boyfriend? Wala naman akong boyfriend. Baka mali po kayo ng napagbigyan?” natatawa kong sabi at muling napatingin sa pagkain at inumin.

Mukha namang pang may sakit talaga ang mga ito, e ayos naman na ako. Baka nagkamali lang ang nurse, imbes sa iba ay sa akin naibigay. Kunot-noo naman siyang bumaling sa akin.

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now