Chapter 8

1K 18 1
                                    

Chapter 8

Kid

I went home still thinking of what happened earlier. Masama ba ang ginawa ko? I just gave that girl a lesson. Masyado siyang nagmamaganda, malandi naman.

Sa tuwing naalala ko ang galit na mukha at ang mga sinabi ni Zach ay hindi ko mapigilang hindi masaktan. What's his deal? Gusto niya ba ang babaeng iyon kaya galit na galit siya sa akin?

Matagal akong nagbabad sa bathtub habang iniisip ang mga nangyari kanina. Kung ako ba ang mali kaya ganoon na lamang ang galit ni Zach.

Nagpupunas ako ng katawan nang maisip kong nagkamali nga ako. Maling bigla ko na lamang buhusan ng drinks yung babae. Gusto ko lamang naman kasing makaganti kanina doon sa babae. Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa kaniya.

Sinasabi kong hindi ko alam pero deep inside alam ko na kung bakit. I'm jealous... I'm freaking jealous!

The feeling of satisfaction from what I did to the girl earlier was now gone and replaced by this strange emotion. Para bang may bagay na paulit-ulit na tumutusok sa bandang dibdib ko, kung nasaan ang aking puso.

Zach made me feel emotions that were new to me. Ganito ba talaga kapag nagkakagusto ka sa isang tao? Parang hindi mo na kilala ang sarili mo dahil sa mga bagay na bago mong nararamdaman?

Tinigil ko ang pagsuklay sa basa ko pang buhok at tumitig sa salamin. Napabuntong-hininga na lamang ako at bumaba para sa hapunan.

Nasa mesa na sina Mommy at Daddy at ako na lamang ang hinihintay. Nagsimula na kami sa pagkain at habang kumakain ay nag-uusap din sila tungkol sa business.

"Mommy..."

Natigil si Mommy sa pagsasalita at tumingin sa akin, gano'n na rin si Daddy.

"Bibisita po ako sa bahay nila Tita Stephanie bukas."

Mukhang nagulat si Mommy sa sinabi ko pero tumango rin siya bilang sagot. Weekend naman bukas kaya walang pasok.

"You should give them a call anak, para ipaalam mo na bibisita ka. And also bring dessert, magbebake ako ng cake para dalhin mo bukas."

Napangiti ako at tumango. Nagpatuloy kami sa pagkain at nang matapos ay tinawagan ni Mommy si Tita Stef para ipaalam ang pagpunta ko bukas. Sabrina is also thrilled daw ng malamang bibisita ako kaya hindi na ako makapaghintay para bukas.

Maaga akong nagising at nag-ayos. Binigay ni Mommy sa akin ang cake na binake niya bago sila umalis, para magtrabaho sa Resort. Hinatid naman ako ng driver namin papunta sa bahay ng mga Montello.

Sinalubong ako nina Tita Stephanie at ni Sabrina sa gate. Tumatalon pa si Sabrina at malawak ang ngiti nang batiin ako. Pumasok kami sa loob ng bahay at umupo sa sofa ng receiving area.

"Sa wakas you're now here, Ate Alexa. Marami na akong naisip na gagawin natin sa araw na ito!"

Napatili pa siya dahil sa excitement. Natawa na lamang ako at tumango.

"Kung alam mo lang, kagabi pa ang batang 'yan sa pagpaplano hija. Pagkatapos niyong tumawag kagabi ay hindi na siya makatulog sa sobrang excitement," natatawa namang sabi ni Tita Stef.

Namula ang pisngi ni Sab at hinila ang kamay ko.

"Doon tayo sa room ko ate Alexa."

"Huwag kang masyadong makulit Sabrina, anak."

Napatayo ako nang muli niya akong hilahin. Napailing na lamang ako at susunod na sana ng maalala ang cake na dala ko.

"Ah Tita, nagbake nga po pala si Mommy ng cake, for dessert daw po."

Heartless MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon