Chapter 17

1K 19 0
                                    

Chapter 17

Test

Kinuha ko ang kwintas sa loob ng box at tinitigan. The key-shaped pendant hangs on the rose gold chain. It has an amethyst stone in the middle of the heart-shaped handle of the key.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinititigan ko iyon. Tumayo ako mula sa kama at nagpunta sa vanity table para isukat ang kwintas at tingnan kung bagay at kasya ba sa akin iyon.

The necklace hangs perfectly on my neck. Bagay na bagay iyon sa medyo maputi kong balat at hanggang baba lamang ng aking collarbones ang sukat. Ngiting-ngiti ako habang nakatingin sa salamin.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok sa silid si Rain. Mukhang nagulat siya nang makita ako.

"Matutulog ka na?" tanong ko habang hinuhubad ang kwintas at muling binalik sa lalagyan.

"Magpapalit lang ako sandali."

Napatingin siya sa dalawang mahimbing na ang tulog sa kama.

"Pagod na ata kaya hindi na nakapagpalit pa."

Tumango siya. Kinuha niya ang bag niyang nasa sofa at kumuha ng damit niya sa loob.

"Magpapalit ka rin ba?"

"Susunod na lang ako sa'yo. Kukuha pa ako ng damit ko."

Tumango siya at tumungo na sa banyo. Mabilis lang siyang natapos at sumunod naman ako sa kaniya. Nakahiga na siya sa kama at wala na ang suot na salamin nang lumabas ako. Kinuha ko naman ang lotion ko at nagsimulang magpahid sa katawan ko.

I'm surprised that she doesn't have a skincare thingy. Mukhang malambot ang kaniyang balat, maputi at makinis pa kaya hindi ako makapaniwalang wala siyang skincare routine.

"Do you prefer the lights on or off?"

"Kahit ano, okay lang sa akin. Ikaw ang bahala."

Nagkibit-balikat ako at pinatay ang ilaw. Hindi kasi ako makatulog kapag may maliwanag na ilaw. Ang lampshade na lamang na nasa bedside table ang nagsisilbing ilaw sa loob ng silid.

Nakatingin lamang siya sa kisame nang lumapit ako sa kama. Tumabi ako sa kaniya at tumalikod kaya nakaharap na ako sa lampshade. Tinitingnan ko lamang iyon at umaasang makukuha ko na ang antok ko ngunit walang nangyari.

The image of Zach kissing me flashed in my mind. Hindi ko maiwasang pagpawisan kahit nakaaircon naman sa buong silid. Napatingin tuloy ako sa mga katabi ko. I envy Scarlet and Eliza dahil mahimbing na sila sa pagkakatulog. Napatingin din ako kay Rain na gano'n pa din ang ayos.

"Can't sleep?" mahina niyang tanong sa akin.

Tumango ako at tumitig din sa kisame.

"You?" tanong ko rin.

"Same..."

"Can we chat for a little bit? Baka antukin tayo kapag nagkuwentuhan tayo."

Kita ko ang pagtango niya sa aking peripheral vision.

"Do you have another nationality?" medyo curious na tanong ko.

First day of school pa lamang kasi ay kuryoso na talaga ako sa kaniya.

"My Dad was an American while my Mom was a Filipino," she said, and a small smile plastered on her lips.

That explains her blue eyes.

"Nagboboarding ka 'di ba? Umuuwi ka rin ba sa inyo?"

Lumungkot ang mukha niya na siyang nakapagpagulat sa akin.

Heartless MonsterWhere stories live. Discover now