One

1K 21 0
                                    

“Frail. Bumangon ka na d'yan. Male-late ka na naman sa school.” sabi ng isang madre sa kanya.

Si Frail Reedus ay nakatira sa isang ampunan at dito na rin siya lumaki kasama ng mga madre. Hindi niya matandaan ang mga itsura ng magulang niya. Parati niyang iniisip na may kulang sa kanya. Kakaiba siya sa lahat. Siya ay labing-syam na taong gulang na ngayon. May mala-apoy na mata na para bang nahaluan ng ibang lahi. Kulay dilaw ang buhok ni Frail. Mahaba ang bangs niya na nagtatakip sa mga mata niya dahil parati siyang natutukso dahil dito. Matangkad din siya kumpara sa mga kaedad niya.

“Sister. Mamaya na po. Sabado pa lang po ngayon.” sabi ni Frail.

“Frail. Biyernes pa lang ngayon. Gusto mo bang mapagalitan pa ni mother Pia?” tanong nung madre.

Agad namang bumangon si Frail. “Sister, bakit naman ngayon n'yo lang sinabi na may pasok ako? Baka ma-late ako n'yan.” sabi pa ni Frail.

“Hay naku Frail. Ginigising ka kaya ng mga bata pero mukhang maganda ang panaginip mo. Sinuntok mo pa nga si Darwin sa tyan eh.” sabi ni Joyce.

Si Joyce ay kasing-edad lang ni Frail. Sa kanyang murang edad ay namatay ang kanyang mga magulang. Madre ang kamag-anak ng mama niya kaya nagsimula na rin siyang tumira doon.

“Ahaha. Pasensya na siya. Ang sarap kasi ng tulog ko. Nanaginip kasi ako. Tinatawag niya ako sa Fairy Land.” sabi ni Frail at nagbihis na.

“Fairy Land ha. Anong klase iyang panaginip mo?” tanong pa ni Joyce.

“Hm. Meron akong kasamang babae. Siguro mas matanda siya ng konti sa atin. Nakahood siya at sobrang galing sa magic.”

“Tapos?”

“Tapos meron na rin akong kapangyarihan. Kaya kong kontrolin ang mga bagay na galing sa lupa o mismong lupa ay kaya kong kontrolin.”

“Tapos?”

“Tapos may mga kasama rin ako na mga lalake. Pinoprotektahan nila ako dahil ako ang susi para maibalik ang lahat sa dati. Yung isa nga doon, kamukha ni Darwin.”

“Eeh? Mukhang gusto ko rin ng panaginip na yan ah.”

“Haha. Panaginip lang naman yon.”

“Ayos ka na ba? Nandyan na ata yung school service natin.” sabi ni Joyce.

“Hm. Ayos na lahat.” sabi ni Frail.

Isinara na niya ang pinto ng kwarto niya at bumaba na. Nakatayo naman sa pintuan si Darwin pati ang mga bata.

“Napakatagal n'yo talaga kahit kailan.” reklamo ni Darwin.

Isa rin si Darwin sa mga batang lumaki na sa ampunan. Nauna nga lang siya kina Joyce at Frail. Alam niya ang lahat ng mga buhay ng mga nasa ampunan higit sa iba. Siya rin ang tinatawag na Kuya sa ampunan na iyon.

“Ah. Darwin. Sorry. Hindi ko sinasadya na sintukin ka. Sorry talaga.” sabi ni Frail at lumabas na silang lahat.

“Oo na. Oo na. Sa susunod, hindi na kita gigisingin. Na-trauma ako.” pang-aasar pa ni Darwin.

“Haha. Oo nga.” dagdag pa ni Joyce.

“Ate ate. Ano po 'yang nasa likod n'yo?” tanong ng isang bata kay Frail.

“Hm?” tanong ni Frail sabay lingon sa likod niya. “Wala naman ah.” sabi niya sa bata pagtapos niyang tumingin sa likod niya.

“HaHa. Paano mo makikita kung may takip na buhok 'yang mga mata mo?” sabi ni Darwin.

“Nakakatawa yon.” sabi naman ni Frail.

Lumapit si Darwin kay Frail at hinawi niya ang buhok ni Frail.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now