Twenty-Eight

189 8 0
                                    

Nagpunta si Feeble sa mga kalapit na bayan at inaaya niya ang mga taong sumama sa kanilang rebolusyon. Kasama niya si Stout sa mga lakad niya. Sa ngayon ay may ilan na ang naniniwala sa kanila.

"Feeble. Hindi ko gusto ang atmospera ng paligid. Umalis na tayo dito." sabi ni Stout.

"Hindi. Kailangan natin silang kumbinsihin." sabi ni Feeble.

Nasa loob sila ng isang inn sa Naghaso City.

"Makinig kayo." sabi ni Feeble sa loob ng inn.

Lahat ng tao ay tumingin kay Feeble nang masama.

"Sino ka para utusan kami?" sabi ng isang lalake.

Humarang naman si Stout sa harap ni Feeble pero pinatabi niya rin si Stout.

"Ako ang Reyna ng Hilaga. Si Feeble Quaine." sabi niya.

Nagtinginan lang ang mga tao na nasa loob ng inn.

"Nababaliw ka na ba? Ilang taon ng patay ang Reyna ng Hilaga kaya imposible ang sinasabi mo." sabi pa nung lalake.

Lumapit si Feeble sa kanya. "Sabihin mo sa akin ang pangalan mo." utos ni Feeble.

Natulala naman yung lalake at nanginig sa takot. "Ako si Lost. Tatlongpung taong gulang. Isang Fallen Warrior."

"Sumama kayo sa laban namin. Sa laban para mabawi kung ano man ang sa atin. Babawiin ko ang oras na inagaw niya sa atin." sabi ni Feeble.

"Kung ikaw nga talaga ang Reyna ng Hilaga, bigyan mo kami ng patunay." sigaw ng isa sa madla.

Tumayo naman agad si Lost sa kanyang kinauupuan. "Hindi na natin kailangan ng patunay. Siya ang Reyna ng Hilaga. Tayong mga Fallen Warrior ay may tungkulin na sundin ang anomang desisyon ang gawin ng Reyna. Hindi pa ba sapat na humarap siya sa ating lahat?" paliwanag ni Lost.

"Hindi ko kayo pipilitin pero sana samahan n'yo kami at ialay n'yo ang inyong mga buhay para sa pagbawi ng Fairy Land." sabi ni Feeble.

Lumuhod naman si Lost sa harap niya. "Iaalay ko ang aking buhay para sa Fairy Land. Susunod ako sa utos mo, Mahal na Reyna." sabi ni Lost.

Lahat naman ng nasa loob ng inn ay lumuhod sa harap ni Feeble.

"Tumayo na kayo. Maghahanda na tayo sa mahabang labanan."

* * *

"Pasensya na kung pinag-alala ko kayo." sabi ni Frail.

Nakabalik na sila mula sa Dark City.

"Ano ba kasing iniisip mo? Bakit ka umalis?" tanong ni Drown.

"Sinubukan kong pumunta sa mga libingan ng mga bayani. Sa libingan nila Airy." sabi ni Frail.

Ginagamot naman ng mga Fairy Rings ang mga sugat nilang tatlo.

"At bakit mo naman naisipang pumunta don?" tanong ni Drown.

"Dahil may isang aklatan doon na sasagot sa lahat ng tanong natin. Isang aklatan na nandon lahat ng hinahanap mo." sabi ni Frail.

"Sigurado ka ba d'yan? Bakit hindi mo agad sinabi sa amin?"

"Hindi ko alam. Pasensya na kung naging makasarili ako."

"Pinag-alala mo pa si Stalwart. Ah akala ko nga mamamatay na ako sa kamay niya sa sobrang galit niya nung nalaman niyang iniwan mo siya." sabi ni Axel habang ginagamot siya ni Time.

"Huh?" sabi ni Frail sabay lingon kay Stalwart.

Nakatingin naman sa kanya si Stalwart at walang pinapakitang kahit anong ekspresyon na magpapakita sa kanya ng totoo sa hindi.

"Ano?" tanong pa ni Stalwart.

"Wala."

"Nandito na kami." sabi ni Feeble.

Pumasok naman sila ng Hermit city at nagulat sila Frail nung makita niya ang mga kasama ni Feeble. Gabi na rin sila nakarating sa Hermit city kaya pagod na si Feeble mula sa paglalakbay nila pabalik.

"Lost?" tanong ni Stalwart.

"Stalwart. Bakit ka nandito?" tanong ni Lost.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Feeble.

"Halata naman. Nagtanungan na nga ng pangalan eh." bulong naman ni Frail at tinaasan lang siya ng kilay ni Feeble.

"Si Lost ang nag-alaga sa akin nung bata pa ako. Isinama niya ang ibang Fallen Warrior sa kanya at nilisan ang Silent city para hanapin ang mga labi ni Ancestor Airy." sabi ni Stalwart.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Drown.

"Ang mga ninuno namin ay hindi naniniwala na patay si Ancestor Airy. Wala silang nakitang katawan kaya umaasa sila na mahahanap nila ito at kung sakaling buhay pa siya ay umaasa rin silang makakatulong siya sa pag-aayos ng Fairy Land ulit kasama ng paggising n'yo, Ancestor Drown." sabi ni Lost.

"Para saan pa ang puntod na nakita ko sa libingan nila?" tanong ni Frail.

"Isang paggalang lang iyon para sa kabayanihan na ginawa niya." sabi ni Lost.

"At ang kwentong pinatay niya ang sarili niya?" tanong pa ni Frail.

"Isang hakahaka lamang iyon."

"Ibig sabihin, buhay pa siya." sabi naman ni Seph.

"Hindi pa tayo sigurado don." sabi ni Feeble.

"Pero pwede naman natin malaman ang totoo." sabi naman ni Frail.

"Wala na tayong oras para hanapin si Airy." sabi ni Drown.

"Hindi mo ba siya gustong makita?" sabi ni Frail.

"Kilala ko siya, basta may laban ay lagi siyang nandon para lumaban." sabi ni Drown.

"Hindi ka ba nangangamba sa posible niyang ginagawa ngayon?" tanong ni Seph.

"Hindi, dahil alam kong lumalaban siya para sa kaligtasan ng lahat." sabi ni Drown. "Yun ang pagkatao niya." pahabol niya pa.

"Feeble, nasaan nga pala si Stout?" tanong ni Frail nung mapansin niyang wala nang nakasunod sa kanila na pumasok sa city.

Nanlaki naman ang mata ni Feeble. Tumingin siya sa buwan at nakita niya na bilog ito. Tumingin siya sa paligid niya at wala sa kanila ang may kakaibang nararamdaman. Tumakbo siya kay Drown.

"Ancestor Drown. Dalhin mo ako kay Stout ngayon gamit ang void mo." sabi ni Feeble. "Nanganganib siya ngayon."

* * *

"Airy." narinig na tawag sa kanya.

"HINDI AKO SI AIRY!! AKO SI RYETH!!" sigaw ni Ryeth. "Bakit n'yo ba ako tinatawag sa pangalan na iyon? Matagal ko na siyang pinatay kasama ng mga kaibigan niya." sabi pa ni Ryeth.

Nanghina ang tuhod ni Ryeth at napasandal na lamang sa pader. Dumating naman ang kanyang tagapagsilbi.

"Ryeth. Anong nangyayari?" sabi niya.

"Ikaw? Bakit hanggang ngayon buhay ka pa? Hindi ba dapat nahawaan ka na ng Cold Wave na galing sa akin? Bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin?" tanong ni Ryeth sa kanya.

"Dahil kailangan mo ako." sabi ng tagapagsilbi niya. "Nakahanap na ako ng mga tutulong sa atin sa pagitan ng laban natin sa kanila."

"Yan na ba ang supresa na tinutukoy mo? Hindi ko sila kailangan. Kaya kong lumaban mag-isa." sabi niya habang hawak niya ang dibdib niya at mabibigat ang kanyang paghinga. Pinipigilan niyang makita ito ng tagapagsilbi niya.

"Ryeth, ano bang gusto mong makuha para sa sarili mo?"

"Gusto ko? Gusto ko ng lumaya." sabi niya at tumingin siya sa tagapagsilbi niya. "Faery, dalhin mo sa akin si Drown." sabi ni Ryeth.

"Masusunod, Ryeth." sabi ni Faery at umalis na.

Naiwan naman si Ryeth sa kwartong iyon. Ipinikit niya ang mga mata niya at nakarinig na naman siya ng boses.

"...dahil alam kong lumalaban siya para sa kaligtasan ng lahat... yun ang pagkatao niya."

Muling iminulat ni Ryeth ang mga mata niya.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now