Two

568 14 0
                                    

“H'wag kang papasok dyan.” sabi nung dalawang babae.

Napalingon naman sila doon. Nagtaka naman si Frail dahil parang pamilyar ang dalawang babae na iyon. Nakikita niya ito sa mga panaginip niya.

“Sino po kayo?” tanong ni Frail.

“Nagpaalam na kami sa guardian mo kaya h'wag tayo mag-usap dito.”

Sumama sina Joyce at Darwin sa bahay na pinuntahan ng dalawang babae. Pamilyar ang bahay na iyon para kay Frail pero hindi niya alam kung saan niya nakita iyon.

“Ako si Shaina.” sabi ni Shaina.

“Ako naman si Josephine. Kapwa kami graduating na sa parehas na school na pinapasukan n'yo.” pagpapakilala naman ni Josephine.

“Ako po si Frail Reedus at ito naman po ang mga kaibigan kong si Darwin at Joyce.”

“Tinatawag ka raw?” tanong ni Shaina.

“Kanino n'yo po nalaman?” tanong ni Frail.

“Delikadong pumasok sa gubat na iyon.” sabi ni Josephine.

“Po?”

“Nag-aabang ang kalaban sa pagpasok mo sa gubat na iyon.” sabi ni Shaina.

“Hindi ko po kayo maintindihan.”

“Hindi ka maaaring pumasok sa gubat na iyon. Naiintindihan mo ba?”

“Sa-sandali lang po. Tinatakot n'yo si Frail eh. Dahandahan lang po.” sabi ni Joyce at humarang naman si Darwin sa harap ng kaibigan niya.

“Ah. Sorry. Naguguluhan din kami minsan sa sarili namin.” sabi ni Josephine.

“Ano po ba ang nangyari, bakit ayaw n'yo akong pumasok sa gubat na iyon?” sabi ni Frail. Tumabi naman sa gilid si Darwin.

“Maniniwala ba kayo sa ikukwento namin?” tanong ni Shaina.

“Kung kapani-paniwala.” bulong ni Darwin.

“Meron kaming pinaniniwalaang nawala naming kaibigan, si Airy. Naalala namin siya nung bumalik siya nine months ago.” panimula ni Shaina.

Nine months ago...

“Haha. Grabe, ang ganda ng Moana ah.” natutuwang sinabi ni Shaina.

“Musical pa. Ang ganda nung 'How far I go'.” sabi pa ni Josephine.

Kagagaling lang nila sa sinehan nung araw na iyon.

“Sigurado na naman na maiinis sa atin yung babaeng yon.” sabi ni Shaina.

“Babaeng yon?” tanong ni Josephine.

“Huh? Sino naman yon?” tanong ni Shaina.

Hindi kasi nila maalala ang babaeng pinag-uusapan nila. Napadaan din sila sa isang pamilyar na bahay sa may malapit na lagusan ng kagubatan.

“Hindi ko maalala pero parang nanaginip na naman ako kagabi. Tapos na raw ang laban at nanalo kami.” sabi ni Josephine.

“Josephine, alam mo bang kasama ka rin sa panaginip ko? Ang pangalan mo ata don, Risk?” sabi naman ni Shaina.

“At si Shaina naman si Fade.” sabi ng isang naka-hood na babae sa harapan nila.

Agad naglabas ng mga matutulis na bagay ang dalawang magkaibigan.

“Sino ka?” sabay na tanong ng dalawa.

“Ako ito. Marahil hindi n'yo na ako maalala dahil hindi na ako nabibilang sa mundo n'yo.” sabi nung babae at nagtanggal siya ng hood. “Josephine, Shaina. Namiss ko kayong dalawa.” naiiyak na pagtawag niya sa dalawang babae.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now