Twenty-Six

211 7 0
                                    

“Stalwart, patawad sa hindi ko pagtupad sa pangako natin.”

* gasp *

Nagising si Stalwart sa kanyang bangungot. Bangungot kung saan nagpapaalam si Frail sa kanya. Hindi niya alam ang pakiramdam na nararamdaman niya ngayon pero isa lang ang naiisip niya, nasa panganib si Frail. Agad siyang bumangon at nagtungo sa labas. Nakita niya ang lahat na nakatungo.

“May nangyari ba?” tanong niya.

“Si Frail, tumakas siya dito.” sabi ni Feeble.

“H'wag kayong mag-alala. Kasama naman niya si Axel.” sabi pa ni Gravity.

“Anong ibig n'yong sabihin na tumakas? Saan siya pupunta?”

“Sa nakita ko, patungo siya sa Timog.” sabi ni Seph.

Bumalik si Stalwart sa kwarto niya at kinuha ang armas niya. Lumabas siya at sumunod naman sa kanya si Tyke.

“Stalwart, saan ka pupunta?” tanong ni Drown.

“Susundan ko sila.”

“Wala kang magagawa doon, Stalwart.” sabi naman Seph.

“Dahil wala akong magos kagaya n'yo?” tanong ni Stalwart.

“Stalwart, hindi yon ang ibig kong sabihin.” sabi ni Seph.

“Kahit anong sabihin n'yo, susundan ko sila.” sabi ni Stalwart at napahinto siya sa paglalakad nung nakita niya si Axel.

Nakatulala si Axel na bumalik sa Hermit city. Dala ang masamang balita sa lahat. Nang makalapit na siya sa lahat ay agad siyang kinuwelyuhan ni Stalwart.

“Nasaan si Frail? Bakit hindi mo siya kasama?” nangdagalaiting tanong ni Stalwart.

Tumitig naman si Axel sa kanya. “Bigo ako sa aking pagiging Fairy Ring. Hindi ko siya naipagtanggol. Nakuha siya ng mga bandido. Patawad.”

* * *

“Paumanhin sa aking kabastusan.” sabi nung lalake at ngumiti siya. “Ako nga pala si Mean, isang bandido. Ikinagagalak ko ang makilala ka.” sabi ni Mean sa kanila.

Maya-maya pa ay may iba pang mga bandido ang bumaba at nagpasabog ng usok. Agad nagsuot ang mga bandido ng proteksyon nila para sa usok na iyon. Nanghina naman ang buong katawan ni Frail at Axel.

“Ah!” sigaw ni Frail sa likod ni Axel.

“Fra—” bago pa man mabanggit ni Axel ang buong pangalan ni Frail ay may pumukpok sa batok niya.

Nakita niya si Frail na walang malay at tinangay nung mga bandido. Pilit niyang inaabot si Frail pero pati siya ay nawalan na ng malay.

* * *

“Patawad. Patawad. Patawarin n'yo ako. Master Ether, patawarin mo ako.” sabi ni Axel.

Nanlaki naman ang mga mata ni Stalwart. Agad niyang sinuntok ang mukha ni Axel at inulit niya pa ito nang inulit.

“Stalwart! Tama na yan!” sigaw ni Drown at pinaghiwalay niya ang dalawa.

“Axel! Bakit hinayaan mong mangyari ito? Ikaw dapat ang nasa tabi niya. Pinoprotektahan mo dapat siya.” sigaw ni Stalwart.

“Tama na yan.” sabi naman ni Seph.

“Pupunta pa rin ako. Ililigtas ko si Frail kahit buhay ko pa ang kapalit.” sabi ni Stalwart at naglakad na. “Hindi ako uupo na lang dito at iiyak. Hindi kita mapapatawad kapag may nangyaring masama kay Frail.” sabi niya sa mukha ni Axel.

Agad tumayo si Axel. “Sasama ako.” sabi niya.

“Teka, sandali lang.” sabi ni Feeble pero agad nawala ang dalawa.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now