Twenty

205 9 0
                                    

“Shh. Hindi ka nila pwedeng makita.” sabi ni Crane kay Drown.

“Huh? Pero bakit?”

“Sila ang mga Fairies na nakatira sa Snowy Hollow. Nalaman nila ang tungkol sa iyo at tinangka kang patayin habang nagsasanay ka sa Fairy Land.”

“Pero?”

“Pero ipinagtanggol ka ni Titania dahil alam niyang may tutuparin kang misyon.” sabi ni Crane.

Nasa loob sila ng Snowy Hollow. Hindi sila maaaring lumipad dahil hindi kaya ng pakpak nila. Nagtatago silang mabuti sa mga damuhan hanggang sa maabot nila lugar na naghahati sa Snowy Hollw at ang Pixie Hollow.

“Ginawa ko ang eksperementong ininom mo. Pasasalamat sa pagliligtas mo sa akin.”

“Ah. Pasensya ka na. Hindi kita maalala.” sabi ni Drown habang sinusundan si Crane.

“Maaalala mo rin ako.” sabi ni Crane.

“Alam mo ba kung saan nakatago ang mga alaala ko?” tanong ni Drown.

“Nandito na tayo.” sabi ni Crane.

Kumuha siya ng malaking dahon na ipinantakip nila sa kanila. Hindi sila makadadaan mismo sa tulay na nagdudugtong sa Snowy Hollow at Pixie Hollow dahil may nagbabantay sa tulay na iyon. Dumiretso sila ni Drown sa ibaba ng ilog.

“Psst.” sitsit sa kanila.

“Ayos na kami.” mahinang sinabi ni Crane at may lumabas na Animal Fairy sa may tulay at may dalang mga kuneho na tatawid sa kabila.

“Iyaaaa. Ganon talaga kaming mga Animal Fairies. Pinakakawalan namin ang mga anak namin. Nakakalungkot nga eh.” sabi nung Animal Fairy na nakakuha ng atensyon nung nagbabanatay sa kabilang bahagi ng tulay.

Agad namang tumawid sila Crane papunta sa kabila. May sumalubong naman sa kanilang isang matabang Fairy na nakasalamin at itinago sila sa Autumn leaf. Nakatitig lang naman ang nagbabantay ng tulay sa direksyon nila nung biglang nagsalita muli ang Animal Fairy.

“Oops. Kailangan ko na palang bumalik. Magha-hybernate na pala ang mga skunk namin. Bye.” masayang pagpapaalam nung Animal Fairy.

Kasabay non ay ang pagtakbo rin nila Drown. Maya-maya pa ay bumalik na sa dati ang nanamlay nilang mga pakpak at lumipad na sila Drown. Sumama naman sa kanila ang Animal Fairy kanina.

“Ayos ba yung arte ko Crane?” tanong niya kay Crane.

“Lalo kang gumagaling Lamina. Salamat.”

“Wala iyon. Alam ko naman mahalaga ang araw na ito sa 'yo dahil kasama kong muli ang bayani mo.”

Si Lamina ay isang Animal Fairy. Nakasuot siya ng mapulang kahel na damit. Gawa ito sa dahon. Nakatirintas naman ang kanyang buhok at patusok ang kanyang sapatos.

“Kung hindi mo naitatanong at alam kong hindi mo itatanong. Ako si Srace. Isang Tinker Fairy.” sabi naman nung matabang Fairy na sumalubong sa kanila.

“Ako si Drown. Ikinagagalak kitang makilala.”

“Ah. Ako rin. Ikinagagalak kong makilala ang bayani ng mga naunang henerasyon.”

Nagtungo na sila sa Pixie Hollow kung saan hinihintay ng lahat ang pagbabalik ni Drown.

“Maligayang pagbabalik.” bati ni Titania sa kanya.

“Maraming salamat sa pagsalubong kahit na wala akong maalala.” sabi ni Drown at yumuko siya.

“Sumama ka sa akin.” sabi ni Titania sa kanya at agad naman siyang sumunod.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now