Three

485 12 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas noong huli niyang makausap sina Josephine at Shaina. Maaga nang magigising si Frail dahil parati na lang siyang nananaginip ng mga bagay na may kinalaman sa Fairy Land. Nagtataas siya ng kamay sa recitation. Gumagawa na rin siya ng mga assignment niya at hindi na rin siya natutulog sa klase. Isang bagay na ikinagulat ng kanyang mga kamag-aral.

Break time non at nakatingin lang si Frail sa labas nang bintana.

“Joyce, pwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Darwin. Kagagaling lang niya sa canteen dahil sinamahan niya ang isa niyang kaklase.

Lumingon naman si Joyce sa kanya at tumango. Nagpunta sila sa may field at umupo sa bench sa lilim ng puno ng manga.

“Tungkol kay Frail.” pagsisimula ni Darwin.

“Alam kong darating ang araw na ito. Alam mo yung feeling na kinukuha na ng ibang tao si Frail sa atin.”

“Ayokong nakikita si Frail na malungkot.” sabi ni Darwin.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng dalawa. May malakas naman na hangin ang sumalubong sa kanila. Wala ring bahid ng kakulimliman ang langit tila ba sinasabi na sa kanila na pakawalan na si Frail.

“Anong gagawin natin?” sabi ni Joyce.

“Isa lang ang paraan na naiisip ko…” sabi ni Darwin. “…kailangan nating pagbigyan si Frail na pumunta doon.”

“Pero hindi na natin siya maaalala.” reklamo ni Joyce.

“Hindi naman mahalaga kung hindi natin siya maaalala.” sabi ni Darwin.

“Nasisiraan ka na ba ng ulo? Mahalaga si Frail sa akin. Ikaw ba? Hindi ba siya mahalaga sa 'yo?” tanong ni Joyce.

“Hindi ko kasi iniisip na hindi ko maaalala si Frail pag pumunta siya doon.”

“Huh?”

“Sumulat ka sa isang papel. Ilagay mo kung gaano mo kakilala si Frail. Kung gaano siya kahalaga sa 'yo. Kung gaano mo siya iniingatan. Isulat mo rin doon na h'wag na h'wag itatapon ang sulat na iyon. Joyce, yun lang ang makakaya nating gawin para hindi siya makalimutan.” sabi ni Darwin.

Damang-dama naman ni Joyce ang nararamdaman ni Darwin. Mas masakit ito para kay Darwin dahil mahal niya rin si Frail ng higit sa iba.

“Naiintindihan ko.” sabi ni Joyce.

“Ang tanong na lang ay paano natin itatakas si Frail kina Sister?”

“Hindi naman natin siya kailangan itakas. Magiging ordinaryong araw lang ito para sa kanila at sa ating dalawa.”

* * *

Linggo nung araw na iyon. Kabilugan din ng buwan. Nagsasaya ang lahat dahil kaarawan ng isa sa mga bata ngayon. Siya ay labing-pitong taong gulang na. Masaya si Frail pero alam niyang may kulang talaga sa kanya.

Si Joyce ay nanatili sa kwarto niya at nagsulat sa isang papel.

“Siya si Frail Reedus. Mahilig niyang ikwento ang mga panaginip niya. Mahilig siyang matulog at paborito niya ang bayabas. Sobrang mahal niya ang mga kaibigan niya kaya sa tuwing magdedesisyon siya ay inuuna niya ang mga kaibigan niya. Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay isipin ang kaligtasan niya. Pupunta siya Fairy Land para hanapin ang sarili niya. Babalik siya. Babalikan niya kayo pagkatapos non. H'wag mong itatapon ito. Ito ang magsisilbing alaala mo sa kanya.” sulat ni Joyce habang umiiyak.

Tok! Tok! Tok!

“Ako 'to. Si Darwin.” sabi ni Darwin sa labas ng pinto.

“Ah. Lalabas na ako. Sandali lang.” sabi ni Joyce habang nagpupunas ng luha.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now