Thirty-Eight

175 7 0
                                    

Nagsisibak ng kahoy non si Helium nung mapansin niya si Airy na nakatayo sa harapan niya. Tinawag niya ito pero hindi siya pinansin ni Airy. Maya-maya pa ay may naramdaman siyang kakaibang enerhiya mula kay Airy. Nanginginig ang buong katawan ni Helium kaya agad siyang gumawa ng paraan. Kumuha siya ng kahoy at sinibak ito. Nagulat naman si Airy at lumingon kay Helium.

“Helium.” tawag ni Airy.

“A-Airy. Nand'yan ka pala.” sabi ni Helium.

“Huh? Bakit parang pinagpapawisan ka?” tanong ni Airy. “Kadalasan ka bang pinagpapawisan pag nagsisibak ka ng kahoy?”

Hahaha. Parang ganon na nga. Oo nga pala, naparito ka?” tanong ni Helium at pinunasan niya ang pawis niya.

“Ah. Nabalitaan ko kasi na hindi maganda ang pakiramdam ni Fade kaya dinalaw ko lang siya.”

Ganon ba? Nasa loob siya. Nagpapahinga kasama ni Faint.”

Maaari ba akong pumasok?” tanong ni Airy.

Oo naman.”

Papasok na sana si Airy sa loob nung tinawag siya Helium.

“Airy.” tawag niya at lumingon si Airy. “Hindi. Hindi dapat yan ang tawag ko sa iyo. Sino ka ba? Sino… ka ba talaga?” tanong ni Helium.

Nagulat si Airy sa tanong niya. “Ano bang sinasabi mo Helium? Ako 'to, si Airy. Nakasama n'yo sa pagtalo kay Season.” sabi ni Airy habang pinagpapawisan.

Iniisip ni Airy kung sino nga ba talaga siya.

Hahaha. Binibiro lang kita. Sige na. Pumasok ka na sa loob. Susunod ako pagkatapos kong magsibak ng kahoy.”

Pumasok si Airy sa loob ng bahay at saktong naabutan niya si Faint na nakaupo sa gilid ng kama ni Fade at malungkot na nakatitig sa kanya. Umupo naman si Airy at hinawakan ang kamay ni Fade. Nakakita siya ng pangitain. Pangitain kung saan nakita niyang mamamatay sila Fade. Hindi niya makita kung sino ang papatay sa kanila. Agad bumitaw si Airy nung maramdaman niyang nagising si Fade.

“Airy. Nandito ka pala?”

Dinalhan kita ng mga prutas. Kamusta ang pakiramdam mo? Ayos ka lang ba?”

Fairies: The Last Mission (Book3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant