Seventeen

228 7 0
                                    

"O-oy. May mga tao sa likod ng capybara. Anong gagawin natin?" tanong ni Frail.

"Sumunod kayo sa utos ko." sigaw ni Drown. "Feeble, gumawa ka ng malaking alon na magtataboy sa mga capybara." utos niya.

"Ngayon din." sabi ni Feeble.

Gumawa nga siya ng malaking alon at dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya at parang itinutulak ang tubig papunta sa mga capybara. May mga capybara pa rin ang nakatakas mula rito.

"Seph, gumawa ka ng isang malaki at malakas na ipo-ipo."

"Oh!" sagot ni Seph.

Pinaikot-ikot niya ang kamay niya at unti-unting namuo ang ipo-ipo at hinigop ang mga capybara.

"Frail. Pigilan mo ang mga capybara sa ilalim. Gamitin mo ang mga seaweeds sa baba. Stout, lahat ng aahon ay sunugin mo."

"Teka, sunugin? Kailangan ba talaga 'yon?" tanong ni Frail.

"H'wag mo na silang problemahin. Gawin mo na lang ang pinapagawa ko." sabi ni Drown. "Kami na ni Stalwart ang bahala sa mga makakalagpas sa inyo." sabi ni Drown.

Agad ginawa ng lahat ang pinapagawa niya.

"Hihihi. Nakalimutan mo na ba kami Drown?" tanong nung isang babae na bumaba sa deck ng barko.

"Sino ka?" tanong ni Drown.

Humarang si Stalwart sa harap ni Drown.

"Mukhang hindi mo pa makontrol ang magos mo." sabi pa ng nasa likod nila Drown. Isa itong lalake.

Lumapit sila at nagulat si Drown sa nakita niya.

"Kayo? Pero pinatay na niya kayo noon."

"Uwaa. Naalala mo? Akala ko nawala ang alaala mo? Bakit naaalala mo ang panahon na iyon?" tanong nung babae at pinalibutan nila si Stalwart at Drown.

"Huh? Ba-bakit ko naalala yon?"

"Hindi kami basta isang Martial lang. Anak kami ng magkahalong lahi. Martial at Peasant." sagot naman nung lalake.

"O mas magandang itawag, isang illusionist at isang cloner." sabi pa nung isa.

"Sino kayo?!" tanong ni Stalwart.

"Ako si Just at siya si Echo." sabi nung lalake.

Silang dalawa ang nakalaban ni Drown at Airy sa ginawang city ni Jack sa Bean Stalk. Sila ay pinana ni Airy sa ulo.

"Dinala kami ng panahon para patayin ka Drown." sabi ni Echo.

"Ito ang paghihiganti namin sa ginawa n'yo ni Airy sa amin." sabi Just at sumugod na.

"Airy." tawag ni Drown.

Tumigil ang oras sa paligid ni Drown. Nakita niyang may hawak na espada si Just na nakatutok sa kanya.

"A-anong nangyari?"

"Drown." sabi ng isang boses.

Lumingon si Drown sa likod niya at nakita niya ang isang babaeng matagal niya ng gustong makita. Umiyak siya nung yakapin siya nung babae.

"Fade. Hindi ko na kaya." sabi ni Drown.

"Kaya mo ito Drown."

"Gusto ko na kayong makasama."

"Kami rin. Gustong-gusto ka na namin makasama pero hindi ito ang oras. May huli ka pang misyon na kailangan mong tapusin." sabi ni Fade at hinawakan niya ang balikat ni Drown pagkatapos niyang yumakap.

"Nahihirapan na ako."

"Kasama yan sa buhay Drown. May kapalit ang paghihirap mo. Tiisin mo lang."

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now