Six

333 11 0
                                    

"May dapat ka bang ipaliwanag?" tanong ni Ryeth.

"Ryeth, bakit ang bilis mo naman bumalik?"

"Sooo?"

"Ahaha. Hinahanap ko kasi yung banyo. Hindi ba ito?" sabi ni Frail at binuksan niya ang pinto.

Tumambad sa kanya ang napakaraming armas. Nahulog naman sa lapag ang iba pa. Nagkatinginan naman si Ryeth at Frail.

"Kung banyo ang hinahanap mo, kumanan ka lang sa sulok na ito at nandon na ang hinahanap mo." sabi ni Ryeth at itinuro niya kay Frail ang daan.

Tumalikod na si Frail sa kanya at nung lumingon siya ulit ay nakita niya si Ryeth na itinaas lang ang kanang kamay at bumalik na sa dati ang mga nahulog na armas at sumara ang pinto.

* * *

Madaling araw na non. Kitang-kita pa ang kabilugan ng buwan. Hindi makatulog si Frail kaya naman lumabas siya nang kwarto. Pumunta siya sa balkonahe at doon niya naabutan si Ryeth na may pinapatulis na mga kahoy. Lumingon naman si Ryeth nung maramdaman niya ang aura ni Frail.

"Bakit gising ka pa?" tanong ni Ryeth.

"Hindi ba dapat ko ring itanong iyan sa 'yo?" sabi ni Frail at umupo siya sa tabi ni Ryeth.

"Tinatapos ko pa itong ginagawa ko."

"Hindi kasi ako makatulog."

"Ganon talaga kapag bago ka sa lugar. Mahirap talagang dalawin ng antok."

"Ryeth. Pwede mo ba akong kwentuhan ng kahit ano na tungkol sa sarili mo?"

"Isa akong... Fairy Warrior."

Nagulat si Frail sa narinig niya.

"Nasa linya ako ng mga nagtagong Fairy Warriors sa kasagsagan ng pagrereyna ni Queen Fright. Pinakahuli sa lahi namin ay si Airy pero dahil sa mga nagtagong Fairy Warrior, nahati ang lahi namin. Si Seph(Sef) Piano ang pinakabago sa lahi nila at ako naman ang sa lahi namin."

"Seph?"

"Hm. Siya ay isa ring Fairy Warrior. Kalaban natin siya."

"Paano mo naman nasabi?"

"Halos lahat ng Fairy Rings na kokolektahin natin ay nasa kamay na niya. Kailangan muna natin siyang talunin bago makuha ang mga kailangan natin."

"At kasama rin yon sa pagsasanay ko?" tanong ni Frail.

"Hm. Hindi natin alam kung kailan siya aatake kaya kailangan natin siyang unahan."

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng nilang dalawa. Maya-maya pa ay tumayo si Ryeth. Napalingon naman din si Frail sa kanya.

"Masama ito. Kailangan na nating kumilos. May paparating na kalaban. Hindi ka nila pwedeng makuha." sabi ni Ryeth sa sarili niya na narinig ni Frail.

"Kalaban? Teka, bakit hindi nila dapat ako makuha."

Kinuha ni Ryeth si Frail. Pinasuot ng kapa na may hood at lumabas ng bahay. Inilapat ni Ryeth ang kamay niya at bigla na lang naglaho ang bahay.

"Paano ang mga nakatira sa village na ito?" tanong ni Frail.

"H'wag mo silang alalahanin. Hindi sila ang hinahanap ng kaaway. Hindi sila gagalawin ng mga ito." sabi ni Ryeth at tumalon siya sa mga puno habang dinadala niya si Frail.

* * *

"Naramdaman ko si Frail dito." sabi ni Stout sa kasama niya.

"Wala namang tao dito." sabi ng kasama niya. Si Seph.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now