Forty-One

214 8 0
                                    

Mahamog nung makarating sila sa puntod ng mga magulang nila.

“Hindi ko inaasahan na magkakaroon ng makapal na hamog dito.” sabi ni Frail.

“Ingatan n'yong h'wag humiwalay sa isa't isa. Malaki ang tsansa ng pag-atake ng mga kalaban. Malaki rin ang tsansa na magkahiwa-hiwalay tayo.” babala naman ni Feeble.

“Sandali. Nararamdaman n'yo ba yon?” tanong ni Seph.

“May paparating. Marami sila.” savi naman ni Stout.

Tahimik lang naman na nagmamasid si Stalwart habang palihim na pinoprotektahan si Frail.

Sa malayo ay may anim na anino ang nakita nila mula sa makapal na hamog.

“Humanda kayo.” utos ni Feeble at inilabas nila ang mga armas nila.

Habang lumalapit ang mga aninong nakikita nila ay lumalakas rin ang nadarama nilang magos mula dito. Nagsimula na rin silang magduda sa kaya nilang gawin.

“Totoo ba 'to?” tanong ni Frail.

“Shh. Frail, h'wag masyadong malakas ang boses mo.” sabi ni Seph.

“Hindi n'yo ba nararamdaman yon?” tanong pa ni Frail. “Hindi sila kalaban.”

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Stout.

“Kailangan kong lumapit para lalo kong matukoy iyon.” sabi ni Frail. Tatakbo na sana siya nung pinigilan siya ni Stalwart.

Nakita naman ni Stalwart na nakangiti si Frail kaya agad niya itong binitawan. Naghintay lang sila sa pagbalik ni Frail. Maya-maya pa ay lumabas ulit si Frail mula sa makapal na hamog. Nakangiti siya at mukhang kagagaling niya lang sa pag-iyak. Bigla na lang may malakas na hanging umihip sa makapal na hamog at natagpuan nila ang mga sarili nila na nasa gitna ng mga puntod. Lahat sila ay nakatingin kay Frail at sa tabi niya ay nakita nila ang mga matagal na nilang gustong makita.

“Totoo ba 'to?” tanong ni Feeble.

Totoo kami.” sagot sa kanya.

“Mahahawakan natin sila.” sabi ni Frail.

Mismo.”

“Baka namamalim-mata lamang kami.”

Lumapit kayo para malaman n'yo ang totoo sa hindi. Halika, lumapit sa amin Peril.” sabi ni Risk habang nakangiti.

“Ma. Pa.” tawag ni Stout at yumakap na siya.

“Rise.” tawag naman ni Bloom.

“Mahal na Reyna. Mahal na Hari.” sabi ni Feeble at yumuko siya simbolo ng paggalang.

“Haha. Hindi mo kaipangan yumuko. Isa lang kaming ordinaryong mga magulang.” sabi ni Pipe.

Mukhang ayos naman kayong lahat bukod kay Seph na nawala ang paningin para hanapin si Drown.” sabi naman ni Fade habang hawak niya ang kamay ni Frail.

Hindi naman nalungkot si Seph na hindi niya makikita ang mga magulang niya. Bago pa kasi kumalat ang Cold Wave ay namatay ang mga magulang niya isang misyon na kanilang nilabanan.

“Ma. Paanong nahahawakan namin kayo kung namatay na kayo?” tanong ni Frail.

“May parte sa nakaraan namin ang hindi n'yo nakita.”

Fairies: The Last Mission (Book3)Onde histórias criam vida. Descubra agora