Twenty-Seven

201 8 0
                                    

“Nandito na tayo.” sabi ni Axel nung makarating sila sa isang abandonadong gusali.

“Sigurado kang nandito siya?” tanong pa ni Stalwart.

“Siguardo ako.”

Maya-maya pa ay nakaramdam ang dalawa ng mga tao sa paligid. Humanda naman si Axel pero pinigilan siya ni Stalwart.

“Hindi tayo pwedeng lumaban. Baka alam nila kung nasaan si Frail. Hayaan mong kunin nila tayo.” bulong ni Stalwart kay Axel.

“Haha. Magandang desisyon ang pagsuko.” sabi ni Mean.

“Ikaw!” sigaw ni Axel.

Nanginginig naman sa galit si Stalwart dahil nasa harapan niya ang taong kumuha kay Frail. Pinipigilan niya ang sarili niya na saktan si Mean dahil hindi iyon ang pakay niya.

“Dalhin mo kami kay Frail.” sabi ni Stalwart.

“Kung iyon ang gusto n'yo.” sabi ni Mean. “Kunin n'yo ang mga armas nila.” sabi ni Mean at ginawa naman nila iyon.

Matapos ay itinali ang mga kamay ng magkasama at inilagay sa likod. Pinasunod sila sa loob ng bahay at dinala sa kwarto ni Frail. Nagulat sila sa nakita nila. Bugbog na bugbog si Frail. Punit-punit ang damit niya at basang-basa siya.

“Frail!” napasigaw ang dalawang lalake.

“Stalwart! Axel! Anong ginagawa n'yo dito?” tanong ni Frail.

Nagulat din si Mean sa nakita niya. “Sino sa inyo ang pasimuno dito? Sino sa inyo ang nanakit sa babaeng iyan?” galit niyang tinanong ang mga kasama niya.

“Pero di ba sinabi mo na pasukuin namin siya?” sabi nung isang bandido.

“Pasukuin hindi saktan. Magkaiba yon.” sabi ni Mean.

“Haha. Akala mo matatakot mo ako? Sige! Hawakan n'yo si Mean. Tayo na ang tatapos nito.” sabi nung bandidong sinampal ni Mean.

Lumapit ang bandidong iyon kina Stalwart.

“Pag may lumaban sa inyo, masasaktan ang babaeng iyon.” sabi nung bandido.

“Stalwart! Axel! Lumaban kayo! H'wag n'yo akong alalahanin.” sigaw ni Frail.

“Hoy! Itigil n'yo yan!” sigaw din ni Mean habang nakagapos siya sa isang haligi.

Agad pumalibot ang mga bandido kina Stalwart at sinimulan silang sipain at bugbugin.

Nagulat naman si Frail nung marinig niya ang isang pamilyar na boses sa isip niya. Tumigil naman ang mga bandido sa ginagawa nila nung tumigil si Frail kasisigaw.

“Hoy! Anong ginagawa mo?” kinakabahang tanong nung bandido.

Napatingin naman si Mean kay Frail.

“Ahhhh. Halos tatlong araw kong hinintay na kausapin mo ako.” sabi ni Frail sa sarili niya.

Tinanggal ni Frail ang kadena sa kanang braso niya na parang wala lang sa kanya. Sinunod naman niyang tanggaling ang mga nasa binti niya at huli niyang tinanggal ang nasa kaliwa niya. Pinukpok niya lang ng konti ang mga binti niya at pinakiusapan ang mga ito na maglakad ng konti kahit na masakit. Naglakad naman siya patungo kay Stalwart at Axel. Lumayo naman ang mga bandido kay Frail.

“Frail.” tawag ni Stalwart kay Frail.

Itinaas naman ni Frail ang dalawa niyang kamay at akala ni Stalwart ay yayakapin siya ni Frail kaya itinaas niya rin ang mga kamay niya.

* pok *

Binatukan ni Frail ang dalawang lalake na ikinagulat ng lahat.

“Sinabi kong lumaban kayo di ba? Hindi ko kailangan ng tutulungan. Tch. Imbis na mabilis ang trabaho, pinapatagal n'yo?” sabi ni Frail.

Fairies: The Last Mission (Book3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon