Eleven

255 9 0
                                    

Kababalik lang ni Frail sa Fairy Land. Wala namang nagbago. Agad siyang pumunta sa bakanteng bahay at kumatok. Walang sumasagot.

"Stout?" tanong niya.

Walang sumasagot. Sinubukan niyang buksan ang pinto pero nakakandado ito.

"Ooy. Stout? Nandyan ka ba sa loob?" tanong ni Frail.

"Shhh. H'wag kang maingay." sabi sa kanya ng isang boses na galing sa loob.

"Huh?"

Bumukas ang pinto at may humatak sa kamay niya. Sobrang dilim sa loob kahit na maliwanag sa labas at wala siyang makita.

"Sino ka?" tanong ni Frail.

"Nakita mo ba ang kapatid namin?" tanong sa kanya nung boses.

"Huh? Sino ka?" tanong ulit ni Frail.

Biglang bumukas ang isang kandila at nakita niya ang dalawang baboy na na nakatayo.

"HUH?? H'wag n'yong sabihin na kayo ang nagsalita?" gulat na sinabi ni Frail.

"Nakita mo ba siya? Delikado kasi sa labas ngayon." sabi nung isa.

Hindi na nagtaka pa si Frail sa nakikita niya dahil nasa loob siya ng Fairy Land ngayon.

"Hindi ko siya nakita. Ako lang ang tao sa labas." sabi ni Frail.

"Huhu. Nasaan na kaya siya?" tanong pa nung isa habang umiiyak.

"Maaari ko bang malaman kung anong pangalan n'yo?"

"Ako si Brick. Ang may-ari ng bahay na ito. Ang pinakabata sa lahat."

"Ako naman si Straw. Ang pinakamatanda. Nawawala si Stick. Ang gitna sa amin."

Bigla na lang nag-isip si Frail. Somewhere. Nakita na niya ang tatlong ito. Sila ang tatlong baboy na nakita niya sa isang kwento. Ang kwento na nagpapakita ng kanilang pagtatalo at pagpapatawad. Hinahabol sila ng isang Wolf kaya naman mula sa nga bahay nila ay lumipat sila sa Brick House.

"AWOOOOO!!" alulong ng isang lobo.

"Nandito na siya. Patayin mo ang ilaw, Brick." utos ni Straw.

Agad naman itong ginawa ni Brick.

"Anong-"

"Shh. Hindi niya pwedeng malaman na nandito tayo. Sinusubukan niyang gibain ang bahay na ito pero dahil gawa ito sa mga bato ay hindi ito basta-basta magigiba." bulong ni Straw kay Frail.

Mula sa labas ay isang buong araw na sinubukan ng isang lobo ang kanyang pag-ihip sa bahay ng mga baboy nang bigla na lang...

*grumble*

*thunder roar*

Bigla na lang may asul na kidlat ang nakita nila. Agad namang umaalis ang lobo dahil sa takot. Binuksan kaagad ni Frail ang pinto at tumakbo patungo sa nakita niya. Sumunod naman sina Brick at Straw para makita rin ang nakita ni Frail.

Pagpunta nila doon ay nakita nila si Stick na may akay-akay na kakaibang uri ng aso na mukhang nasa kritikal na kalagayan.

"Stick!" sigaw ng magkapatid.

"Kuya!" sigaw niya kay Straw at nagyakapan sila.

"Umalis na kayo dito. Dalhin n'yo ang aso sa loob ng bahay at walang lalabas." utos ni Frail.

"Huh?" sabi ng lahat.

"Bilis!"

Gumawa si Frail ng subterranean na patungo sa bahay ng mga baboy. Gumawa rin siya ng alon na lupa at dinala ang mga baboy sa loob ng bahay. Isinara niya ang pinto ng bahay gamit ang putik na pinatigas niya.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" tanong ni Straw.

Nakita nila na maraming bestia ang nakapalibot kay Frail.

"Delikadong mag-isa ka lang." sigaw pa ni Stick.

"*Tch. H'wag mong sabihin na ang kidlat na iyon ay puno ng magos? Worst timing ba? Naattract ba ang mga bestia na ito dahil doon?*" tanong ni Frail sa sarili niya.

Pinalibutan siya ng bestia na gutom na gutom sa pagkain ng tao. Huminga ng malalim si Frail. Naramdaman niya ang bawat kilos ng mga bestia. Agad siyang gumawa ng tatlong makakasunod na pader na palibot sa kanya.

"Heh. Tignan natin ang lakas mo." sabi ng isang lalake na nanonood kay Frail mula sa malayo.

Nararamdaman ni Frail na umaakyat ang mga bestia sa ginawa niyang pader kaya naman gumawa siya ng matulis na bagay sa bawat pader na pumipigil sa mga bestia na magpatuloy pa. Maya-maya pa ay nakaramdam si Frail ng isang malakas na yapak. Sinubukan niya itong itali gamit ang makakapal na ugat pero ito ay nakakawala pa rin. Sinubukan niya rin itong tabunan ng mga malalaking bato pero itinatapon lang ito. Tinanggal niya ang pader na nakapatibot sa kanya at ni isang bestia ay wala siyang nakita.

"Anong nangyari?" tanong niya sa sarili niya.

Bumaba naman mula sa kinatatayuan niya ang lalakeng nanonood kay Frail. Agad itong naramdaman ni Frail at lumingon siya. Natatakpan ng hamog ang lalakeng naglalakad. Humanda naman si Frail sa pag-atake.

"Maganda ang iyong pinakita pero kulang pa ito."

"Sino ka?"

"Hindi mo na kailangan mangamba. Ako ay isa lang espirito. Hindi kita sasaktan." sabi niya at nagpakita siya kay Frail.

Ang lalakeng iyon ay may malaking pilat sa mukha na para bang sinunog. Nakasara na rin ang kaliwang mata nito. Kulay asul ang nakapaligid sa lalakeng iyon.

"Magpakilala ka." sabi ni Frail.

"Ako si Tauri. Isa sa mga Major Fairy Rings. Ang kumokontrol sa mga bestia."

Itinago na ni Frail ang kanyang armas. "Bakit ka naparito?"

"Nandito ako para ibigay sa iyo si Axel."

"Axel?" tanong ni Frail.

Inilabas ni Tauri si Axel mula sa kawalan. Isang lalakeng natutulog at binabalot din ng asul na lobo. Hinawakan ni Frail ang lobong iyon at bigla itong pumutok. Ang lalakeng natutulog ay naging armas at napunta sa pagiging kabute na may mga ax sa paligid.

"Siya si Axel. Isa sa mga makakasama mong lumaban. Isa siyang Fairy Ring at ako ang naatasan magbantay sa kanya. Katulad ko, marami sa amin ang nagbabatay rin sa mga Minor Fairy Rings ngayon. Kami ay lalabas lang sa tamang panahon."

"Pero sinabi ni Ryeth na hawak na ni Seph ang lahat ng Minor Fairy Rings."

"Tama ka. Hawak na ni Seph ang lahat ngunit dahil sa nangyari ay hinatak ng iba't ibang enerhiya ang lahat ng Fairy Rings kaya ito naglaho sa kanya."

"At gusto mong kolektahin ko ito?" tanong ni Frail.

"Hindi." sabi ni Tauri at nakatitig siya kay Frail. "Ang gusto kong gawin mo ay talunin ang puno't dulo nang kaguluhang ito at palayain lahat ng taong nakulong sa mundong ito. Frail, ikaw ang huling pag-asa nila. Hindi ka pwedeng lumihis sa daan. Hindi mo pwedeng gamitin ang galit dahil iyan ang magdadala sa iyo sa pagkatalo. Hindi ka nag-iisa kaya hindi mo kailangan pasanin ang lahat." sabi ni Tauri at iniabot niya ang kamay niya kay Frail.

"Magkikita ba tayo ulit?" tanong ni Frail bago niya abutin ang kamay ni Tauri.

"Marahil hindi na. Hindi ko na laban ito."

"May huli akong katanungan. Kilala mo ba kung sino ang mga magulang ko?"

Sasagot na sana si Tauri nang bigla siyang naglaho. Tatawag pa sana si Frail nang bila na lang siyang napaluhod at babagsak na sana sa nung biglang may sumalo sa kanya. Nanlabo na ang paningin ni Frail at nawala na siya ng malay.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now