Thirty-One

194 7 0
                                    

Nung imulat ni Drown ang kanyang mga mata ay nasa isang kwarto sila ni Faery.

“Dinala ko na siya.” sabi ni Faery.

Nagbigay naman siya ng daan para makita ni Drown ang kausap niya.

“Drown.” tawag sa kanya.

“Ryeth?” tanong ni Drown.

“Drown, nakita na rin ulit kita sa wakas.” sabi ni Ryeth at iniabot niya ang kamay niya kay Drown.

Inabot naman ito ni Drown na walang pag-aalinlangan. Nagulat siya nung maramdaman niyang mainit si Ryeth. “May lagnat ka.” sabi ni Drown at umupo siya sa tabi ni Ryeth. “Faery, kuhanan mo ako ng planggana na may tubig. Samahan mo na rin ng telang maaaring ipunas kay Ryeth.”

“Huh? Bakit ko naman yon gagawin?” tanong ni Faery sa kanya.

“Dahil inutos ko.” sabi ni Drown at umalis na agad si Faery.

“Haha. Bakit mo ginagamot ang kaaway mo? Alam ko bang pagbumuti ang pakiramdam ko ay maaari na kitang patayin ngayon din?” tanong ni Ryeth.

“Patayin mo na ako kung gusto mo pero hindi ko iiwang malubha ang kalagayan ng taong nasa harap ko. Wala rin akong pakialam kung kaaway ka o hindi. Ang mahalaga ay ang gumaling ka.” sabi ni Drown.

Dumating si Faery dala nga ang pinapakuha niya. Naghanda rin ng pagkain si Drown para kay Ryeth. Makailang araw pa ang lumipas ay bumuti na rin ang pakiramdam ni Ryeth. Nakaupo non si Drown sa may balkonahe ng kwarto ni Ryeth at nakatingin sa mga bituin.

“Salamat sa pag-aalaga sa akin.” sabi ni Ryeth.

“Hah. Ang kalaban kong gusto na akong patayin ay nagpapasalamat sa akin? Iba na talaga ang panahon ngayon. At mas malala pa doon ay hindi ako nakakulong at malayang nakakalabas-pasok sa lugar niya. Hindi ka ba natatakot sa kaya kong gawin?” tanong ni Drown.

“Haha. Hindi.” sabi ni Ryeth at umupo siya sa tabi ni Drown. Tumingin naman sa kanya si Drown. “May gusto ka bang malaman tungkol sa akin?” tanong ni Ryeth.

“Lahat. Gusto kong malaman ang lahat.”

“Nakahanda ka ba?”

“Matagal na akong nakahanda.” sabi ni Drown.

Hinawakan ni Ryeth ang pisngi ni Drown. “Sasabihin ko sa 'yo ang lahat.” sabi ni Ryeth at hinalikan niya si Drown sa labi.

* * *

Umiiyak pa si Frail dahil sa pagkamatay ni Tyke at hanggang sa hindi na niya kinaya ay nahimatay na siya.

“Kulang siya sa pahinga. Mabuti pa ay bumalik muna kayo sa Hermit City.” sabi ni Reven na lumabas mula kay Stalwart.

“Apat na araw ang paglalakbay pag yapak mula dito patungo sa Hermit city.” sabi ni Stout.

“Kami na ang bahala.” sabi ni Reven.

Gumawa naman ang mga Bestia ng isang prairie wagon. Gamit ang magos ni Reven ay tumawag siya ng mga kabayo.

“Mabilis kayong makakarating sa Hermit city kung ito ang gamit n'yo.” sabi ni Era.

Sumakay na nga sila at halos isang araw lang ang paglalakbay nila. Hindi pa rin gumising si Frail. Nasa Hermit city na rin ang grupo ni Mean at nagulat siya dahil nakita niyang hindi pa nagkakamalay si Frail.

“Kamusta siya? Dahil ba yan sa ginawa ng mga dati kong kasama?” tanong ni Mean kay Stalwart.

Lumapit din naman si Axel para makibalita.

“Hindi. Dahil yan kay Tyke. Namatay si Tyke dahil pinrotektahan niya kami mula kay Farry.” sabi ni Stalwart.

“Nasaan naman si Master Drown?” tanong ni Axel.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now