Thirty-Nine

187 8 0
                                    

Talaga bang mangyayari iyon? Ang nalalapit nating kamatayan?” tanong ni Fade.

Naglalayag sila ngayon patungo sa Island Of Green upang muling tumanggap ng parangal mula sa pagkakapanalo sa digmaang naganap sa Fairy Land. Kasama nila si Airy at kasalukuyang tumutulong sa pagbibigay ng mga gamit sa mga seafarers.

“Hindi ko pa nakita ang pangitaing iyon. Walang eksaktong araw o oras ang sinabi sa pangitain ko.” sabi naman ni Risk.

“Hindi kaya may mali? Hindi kaya mali ang tinitignan nating anggulo?” sabi ni Pipe.

“Pipe, anong ibig mong sabihin?”

Baka naman, para mangyari iyon ay kailangan nandito rin sa harap natin ang mga nakakita ng pangyayaring iyon.”

Katulad ng mga anak natin?” tanong ni Kill.

Siguro.”

“Pipe, parang handa ka ng mamatay ah.” bulong ni Bloom sa kanya.

Lumingon si Pipe sa kanya at hinawakan ang ulo ni Bloom.

Hm. Handa na akong tanggapin ang kamatayan kaysa naman isipin ko na lalaban ako kay Airy. Hindi ko ata kaya yon. Bloom, patawarin mo sana ako kung tinanggap ko ang kamatayan ng ganito ah.” sabi ni Pipe.

Basta't kasama ko kayo ni Rise, hindi ako takot sa kamatayan.” sabi ni Bloom at hinawakan niya ng mahigpit ang isa pang kamay ni Pipe.

“May oras pa tayo.” sabi ni Fade.

“May oras saan?”

“May oras pa tayo para makasama ang mga minamahal natin.”

Pababa na sila ng barko nung mapansin nila si Mist, ang anak ni Maria. Natigilan silang maglakad pero tumuloy pa rin sila. Agad binati ni Mist si Airy.

“Airy.” pagbati niya.

Bakit ka nandit?” tanong ni Fade.

Ito ang huling paglalayag n'yo kasama si Airy. muli kaming maglalayag.sabi ni Mist.

Maglayag? Saan ka naman maglalayag Airy?” tanong ni Pipe.

Kahit saan. Pupunta ako sa lugar na walang masasaktan dahil sa akin.” sabi ni Airy sabay nakaw ng tingin kay Helium.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now