Twenty-Four

186 8 0
                                    

"Hueeeeeeee!"

Napalingon si Drown sa tumawag sa pangalan niya. Niyakap naman siya nung babae.

"Pasensya na. Itatanong ko lang kung sino ka?"

"Huh? Ako 'to si Arietis. Ang kanang kamay mo. Hindi mo ba ako maalala?" sabi ni Arietis.

"Haha. Biro lang. Buti naman at nakadalaw ka?"

"Sa totoo lang, nandito kami para ibigay sa iyo ang tatlong Fairy Rings na hawak namin." sabi ni Arietis.

"Kami?"

"Kami. Si Sand, at si Minorum."

Lumabas naman sa gilid niya ang dalawa.

"Hindi ako sumama para makita ka. Nandito ako dahil napilitan lang ako." sabi ni Sand.

"Ganon din ako." sabi rin ni Minorum habang nag-aayos ng buhok niya.

"Maraming salamat sa pagpunta."

"Ate Arietis?" tanong ni Axel nung makita niya si Arietis.

"Yo! Gising ka na pala?" sabi ni Arietis.

"Paano kayo napunta dito?" tanong pa niya.

"Mula sa Spirit world. Spirit Form!" sabi ni Arietis.

"Halata naman. Ibig kong sabihin ay paano n'yo nahanap na nandito kami?"

"Hm? Madali lang naman mahanap ang magos ng kapwa namin Fairy Ring." sabi ni Arietis at lumapit siya kay Drown. "Gusto kong makita si Frail." sabi niya pa.

"Si Frail? Bakit?" tanong ni Drown.

"Bakit? Syempre para sabihin sa kanya ang mensaheng kailangan niyang malaman."

"Mensahe?"

"Mensahe." pag-ulit ni Arietis sa tanong ni Drown. "Axel, maaari mo ba siyang tawagin?"

Agad siyang pumunta kay Frail. Muli siyang mababagsakan ng kahoy kaya agad hinawakan ito ni Axel. Napatingin naman sa kanya si Frail.

"Ilang beses ba kita tutulungan dito?" tanong ni Axel.

"Tch. Hindi ko kailangan ng tulong galing sa mayabang na tulad mo." sabi naman ni Frail at tinuloy niya lang pagsisibak ng kahoy.

"Pinapatawag ka ni ate Arietis." sabi ni Axel.

"Arietis?"

"Oo. Kasama sila ni Master Drown. May mensahe daw para sa 'yo."

"Para sa akin?" tanong pa ni Frail.

"Sige, para sa akin na lang." pamimilosopo ni Axel. "Ang dami mong tanong. Sumama ka na lang sa akin." sabi ni Axel at sumunod naman si Frail sa kanya.

"Frail!" tawag agad sa kanya ni Arietis.

"Uhh. Sino po kayo?"

"Huh? Hindi ba sinabi ni Axel kung sino ako?" tanong ni Arietis.

"Arietis? Pero paano n'yo ako nakilala?"

"Hm? Paano nga ba?"

"Hoy, Arietis. Bilisan mo naman ng konti. Naiinip na ako." pagrereklamo ni Sand.

"Sige na. Sige na." sabi naman ni Arietis at hinawakan na niya ang kamay ni Frail.

Bigla na lang nawala ang mga tao sa paligid nila at napunta sila lugar na walang tao.

"Anak." tawag sa kanya ng isang boses.

"Sino ka? Nasaan ka?" tanong ni Frail at hinahanap niya kung nasaan ang boses.

Fairies: The Last Mission (Book3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ