Forty-Two

220 8 0
                                    

Muli nilang narinig ang malakas na dagundong na hindi nila malaman kung saan nanggagaling. Maya-maya pa ay nakaramdam sila ng isang malakas na magos. Agad lumingon si Frail sa pinggagalingan ng magos na iyon.

“Faery.”

“Nanumbalik na pala ang mga magos mo na galing sa mga magulang mo, Frail.”

“Anong ginagawa mo dito?”

Lumabas mula sa makapal na hamog si Faery. Tinanggal niya ang hood niya at nakita nila ang malalaking peklat sa kanyang leeg tanda ng kagustuhan niyang patayin ang sarili niya.

“Sa tingin mo? Anong ginagawa ko dito? Ah, tama. Makikipaglaro ako sa inyo.”

“Sino ka ba talaga?” tanong ni Stalwart.

“Ako? Tinatanong n'yo?” tanong ni Faery habang nakangisi. “Ako si Faery Moon Light. Ako lang naman ang tunay na puso ng Frozen Time. Ang Cold Wave.”

“Ikaw?”

“Tama ako nga. Ako ang dahilan kung bakit kayo nabuhay sa panahong ito. Ako ang dahilan kung bakit buong buhay mo…” sabi Faery habang nakaturo kay Frail. “…pinoprotektahan ka ni Era, ang bestia sa loob mo. Panahon na para ako naman ang maghari.”

Nanikip naman ang dibdib ni Frail, maya-maya pa ay namula ang mga mata ni Frail at nagsimula na siyang magwala. Agad kumilos si Era pero hindi niya kaya. Wala na talaga sa kontrol si Frail.

“Frail!” sigaw ng lahat.

Aaaahh. Pinuno, hindi ko na kaya ito. Kailangan ko na ng tulong n'yo.” sigaw ni Era.

Lumabas naman si Reven sa loob ni Stalwart at pinilit niyang ilabas si Era sa loob ni Frail. Patuloy lang naman ang pagwawala ni Frail. Nalapnos naman ang buong katawan ni Era.

“Era…” tawag ni Airy habang nanonood lang. Nag-aalala na siya sa mga nangyayari.

Lahat ng makita ni Frail ay pinapatay at sinisira niya lang. Hindi na siya ang Frail na nakilala nila.

“Bakit? Nagulat ba kayo? Hahaha. Mukhang mahihirapan kayong matalo ako ah.” sabi ni Faery sabay sugod.

Nilapitan ni Frail si Seph at hinampas siya sa mukha na nasalag naman ni Feather. Sa kabila banda naman ay nagawang ilagan ni Stout ang atake ni Faery.

“Ibalik mo sa amin si Frail!” sigae ni Feeble.

“Hahaha. Siya ang may gusto n'yan.” sabi ni Faery.

Sa gilid niya ay umatake si Stalwart gamit ang kanyang scythe. Nadaplisan naman si Faery dahil don. Agad siyang lumayo para makabwelo.

“Hah. Kaya ayoko ng Fallen Warrior. Hindi ko sila maramdaman.” sabi niya at sumugod siya.

Direkta siyang sumugod kay Stalwart. Mabilis na umatake si Stalwart pero bigla na lang nawala si Faery sa harap niya. Lumingon siya sa ibaba niya at nakita niya si Faery na nakatawa. Hindi na siya nakailag pa. Sa isang suntok sa hangin ni Faery ay nagtamo si Stalwart ng maraming pasa.

“Mahina.”

Lumabas sa likod ni Faery si Stout at sasaksakin na sana siya nito pero hinawakan ni Faery ang magkabilang dulo ng espada niya at sinira lang ito. Sinipa niya ang tyan ni Stout at tumalsik din siya malapit sa kinaroroonan ni Feeble.

Sa kabilang banda ay sinasalag pa rin ni Feather lahat ng atake ni Frail.

“Pasensya na Frail, kailangan namin 'tong gawin.” sabi ni Feather at sa likod ni Frail ay lumabas si Feeble at sinaksak ang magkabilang braso nito.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now