Twenty-Five

193 7 0
                                    

“Drown.” tawag ni Frail kay Drown.

“Hm? May problema ba?” tanong ni Drown.

“Maaari ko bang gamitin ang magos ko bukas?” tanong ni Frail.

“Pero sinabi kong hindi n'yo pwedeng gamitin yon hangga't hindi ko pa kayo pinapayagan di ba?”

“Kaya nga nagpapaalam ako.”

“At sinasabi ko sa iyo na hindi maaari.”

“Pero bakit?”

“Dahil yun ang utos ko.” sabi ni Drown at tumalikod na sa kanya si Frail.

“Dapat pala hindi na ako nagpaalam sa iyo.”

“Frail, kung ano man ang naiisip mo h'wag mo nang ituloy. Ikapapahamak mo lang yan.” sabi ni Drown at lumabas na si Frail sa kwarto ni Drown.

* * *

“Hindi ka makatulog?” tanong ni Stout kay Feeble.

“Hm.”

“Iniisip mo ba ang kaharian mo?”

“'Dati' naming kaharian. Hindi ko alam ang nasa isip ni Ancestor Drown, bakit kailangan nating gumawa ng bagong kaharian kung gayon ay hindi naman ako kilala ng mamamayan ng Hilaga.”

“Edi sabihin natin sa kanila na buhay ka pa.”

“Hindi ganon kadali iyon. Sino naman maniniwala doon kung lahat sila alam na pinatay na ang mga humahawak sa kanila? Kinalaunan, magtatalaga sila ng mamumuno sa kanila.”

“Edi angkinin mo kung ano ang sa 'yo.” sabi ni Stout at napatingin sa kanya si Feeble.

“Hah. Kung ano ang sa akin? Maganda nga iyan.” sabi ni Feeble.

* * *

Nagpapahinga sa isang kwarto ang mga Fairy Rings.

“Si Day, Ink, Scarf, Watt, Iron, at Strand. Halos kalahati pa sa atin ang hindi nahahanap.” sabi ni Axel.

“At hindi pa natin alam ang kaya nating gawin.” sabi ni Cloud.

“Kung nandito lang si Master Ether, alam niya ang gagawin sa sitwasyon na ganito.” sabi naman ni Gravity.

“Alam kong buhay siya.” sabi ni Feather.

“Si Master Ether?”

“Oo.”

“Pero paano nangyari yon?”

“Dahil buhay pa si Master Hue.”

“Huh? Imposible ang sinasabi mo Feather. Ang panahon ni Master Ether ay tapos na. Natapos na rin ang panahon ni Airy kaya imposible ang sinasabi mo.” sabi ni Cloud.

“Si Master Hue ay nabubuhay dahil may misyon siya.”

“Ang misyong patayin si Ryeth na gagawin niya kasama nila Frail.” sagot ni Axel.

“Tama. At sa palagay n'yo, bakit nila papatayin si Ryeth?” tanong pa ni Feather.

“Hindi ba dahil pinatay ni Ryeth ang mga magulang nila?” sabi naman ni Gravity.

“Tama.”

“Teka, sino ba ang mga magulang nila?” tanong ni Cloud.

“Yun ay isang malaking katanungan. Ni isa sa kanila ay walang nakakaalam sa itsura ng mga magulang nila.”

“Huh? Paano naman yon nangyari?” tanong ni Twin.

“Hindi ko rin alam. At isa pa, sa kwento ni Frail ay may limang batang isinumpa si Ryeth at nilagyan ng bestia sa loob nila.”

Fairies: The Last Mission (Book3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt