Epilogue

428 11 1
                                    

Nagdaan ang maraming taon. Nagkita-kita ang lahat gaya nga ng pangako nila sa isa't isa ngunit isa sa kanila ang hindi pa dumarating. Nalimutan din ng mga tao ang Cold Wave. Halos walang nakakaalam na may naganap na laban patungkol doon.

“Kamusta na, Frail?” tanong ni Feeble.

Naideklara na siyang muli bilang Reyna ng Fairy Land. Si Stout naman ay kinoronahan din bilang bagong hari at asawa ni Feeble.

“Ayos lang.”

“Eh ang buhay pag-ibig?”

“Hahaha. Nawawala pa rin.” sabi ni Frail.

“May munting salo-salo mamaya para sa mga Fallen Warrior na nagtagumpay sa laban nila. Gusto mo bang dumalo?”

“Siguro dadaan na lang ako mamaya. Marami pa akong ginagawa.” sabi ni Frail.

“May naghihintay pa naman sa 'yong regalo. Hindi ba malapit na ang kaarawan mo?” tanong ni Stout na kararating lang.

“Makita ko kayong masaya, regalo na iyon para sa akin.”

“H'wag na nga nating pag-usapan yan. Si Seph ba, bumisita na sa 'yo?”

“Kadadaan lang niya nung isang araw.”

“Wala ba siyang nabanggit?”

“Ah. Sabi niya aalis muna siya. Mukhang alam na niya kung saan mahahanap si Feather ulit.” sabi ni Frail. “Paano? Mauna na ako?” sabi niya.

“Sige. Mag-ingat ka ah.” sabi ni Feeble.

Ang bahay ni Frail ay matatagpuan sa isang maliit na isla. Tatawid ka muna sa isang mababaw na parte ng dagat para lang mapuntahan yon. Kasama niya paminsan-minsan ang mga Bestia. Hindi kasi nila matiis si Frail na hindi makita. Para naman sa mga Minor Fairy Rings. Bumalik na sila sa Spirit World kasama ng iba pa.

* * *

“Frail! Naririnig mo ba ako?”

“Feeble?”

“May nangyayaring kaguluhan sa palasyo. Kailangan ka namin!”

“Papunta na ako. Sa ngayon, kailangan n'yong maging matatag.”

“Frail, mag-ingat ka.”

Agad sumakay si Frail sa maliit na bangka niya.

“Frail! Anong nangyayare?” tanong ni Era.

“May gulong nagaganap sa palasyo kaya kailangan ko munang pumunta don. Kayo munang bahala sa gawin ko.”

Nagmamadaling pumunta si Frail sa palasyo. Malapit na siya sa may daungan nung mapansin niyang wala namang gulong nagaganap. Bumaba siya at naglibot sa bayan sa harap ng palasyo. Walang mga tao. Nagtataka na siya hanggang sa may naramdaman siyang malakas na magos galing sa likod niya. Lumingon siya at isang malaking bestia ang sumulpot. Bago pa man niya mahugot ang espada niya ay nahati sa dalawa ang bestia.

“Pasensya na. Pinaghintay kita ng maraming taon.” sabi ng isang boses na matagal na niyang hinihintay.

Nanlaki ang mga mata ni Frail. Agad siyang nanakbo papunta sa kanya.

“Stalwart!” sigaw niya at niyakap niya si Stalwart.

“Frail.”

“Saan ka ba kasi galing?”

“Haha. Sa isang isla malayo sa palasyo. Nagsanay ako ng husto para lang lumakas ako. Hindi ko hahayaang ako lang ang lagi mong inililigtas.”

“Hindi mo naman kailangan gawin yon.”

“Pero gusto ko iyon. At ngayong nandito na ako, ako ang poprotekta sa iyo.”

“Stalwart.” niyakap niya pa ng mahigpit si Stalwart.

Unti-unti namang nagsilabasan ang mga tao sa paligid.

“Uhm. Frail, pwede bang magtanong?”

“P-pwede naman.”

“Ano ba yung sasabihin mo dapat sa akin bago mawala?”

“Huh? Ah.” sabi ni Frail at tumingin siya sa mga tao. Ngumiti siya sabay sabi “Stalwart, mahal din kita.”

Namula naman si Stalwart sa sinabi ni Frail. Niyakap niya ito sa sobrang tuwa. Dumating naman si Seph na kasama si Feather.

Lahat ay nagdiwang sa pagdating ni Stalwart kasama ang matagumpay na laban ng Fallen Warrior. Patuloy rin ang pakikipaglaban nila Frail pero kapalit non ay nakamtan na ng lahat ang pinapangarap nilang kasiyahan.

Natapos man ang kwento ng mga Fairies ay magpapatuloy pa rin ang laban nila para sa katahimikan ng Fairy Land. Talaga ngang masasabi nang THEY ALL LIVE HAPPILY EVER AFTER. . .

- THE END -

Bonus chapter ahead!

Fairies: The Last Mission (Book3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon