Eight

284 8 0
                                    

“Oy. Joyce! Bumangon ka na d'yan.” tawag ni Darwin kay Joyce.

“Oo na. Nakabangon na. Bababa na lang ako.” sigaw naman ni Joyce.

Bago siya bumaba ay kinuha niya ang picture ni Frail at inilagay ito sa bag niya.

“Bakit ba ang tagal mo?” tanong ni Darwin.

“Ganito talaga kaming mga babae.” sabi ni Joyce.

Bumaba na sila at nagpaalam na sa mga madre.

“Sister. Pakisabi na lang po kay Mother Pia, aalis na po kami.” paalam ni Darwin.

“Mag-ingat kayo ha. H'wag magpapagabi sa daan.”

“Sige po.”

Naglakad na sila sa may gate ng ampunan nung may nakasalubong silang isang babaeng foreigner na kasing-edad nila. Nagkatinginan silang tatlo at ngumiti sa kanila ang foreigner.

“Darwin. Nakita mo ba yon? Parang nakita ko na siya kung saan.”

“Huh? Sigurado ka ba?” tanong pa ni Darwin.

“Uhm. Excuse me?” tawag sa kanila nung babae. Agad namang lumingon yung dalawa. “You dropped this.” sabi nung babae sabay abot ng picture.

“Ah. Sala—thank you.” sabi ni Joyce at nagpaalam na ang foreigner sa kanila.

Doon pang napansin ng dalawa na kulay apoy ang mata nung babae.

“Sister? Is there a nun named Mother Pia here?” tanong nung foreigner kay Sister.

“Uwaa. Foreigner. Parang ang sakit sa ilong.” sabi ni Darwin.

“Oh Yes. Please take a seat. I'll go fetch Mother Pia for you.” sabi ni Sister.

“Tumigil ka na nga lang d'yan.” sabi pa ni Joyce at umalis na sila.

Nakatingin lang naman sa kanila ang babaeng foreigner.

* * *

“Joyce. May gusto sana akong sabihin sa iyo.”

“Ano naman yon?” tanong ni Joyce.

Naglalakad sila ngayon sa park. At the same time ay kumakain din sila ng ice cream.

“Joyce. Tutal, isang taon na lang at tapos na tayo ng college. Gusto mo bang tumira na tayo sa isang apartment? Tayo lang dalawa?”

“Eh? Pero bakit? Bakit gusto mo na humiwalay kina Sister?”

“Naisip ko lang kasi, baka gusto mo lang naman. Pero kung ayaw mo okay lang din.”

“Huh? Hindi kita maintindihan. Bakit ba?” tanong ni Joyce.

“Ang sinasabi ko. Mahal kita. Kung gusto mo sanang sumama sa akin, bumukod na tayo. Matatanda naman na tayo eh.”

“Eh?”

Natulala lang si Joyce at natunaw rin ang ice cream niya.

“ 'Eh'? Yun lang ang sagot mo?” tanong ni Darwin.

“Sandali. Hindi pa nagpa-process sa utak ko yung sinabi mo eh.” sabi ni Joyce.

“Ah. Sorry.”

“Pwede bang pag-isipan ko muna?”

“Para sa 'yo. Sige.”

Maya-maya pa ay may naririnig silang sigaw. Klase ng sigaw na ginagamit kapag nagsasanay sila sa martial arts. Nahagip ng mata ni Joyce ang foreigner na nakita nila kanina. Sumunod naman sa kanya si Darwin at nakita rin ang foreigner na seryosong nagsasanay.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now