Twenty-Nine

187 9 0
                                    

Si Drown ay agad gumawa ng void. Binuksan niya ito at tsaka humarap sa lahat.

“Kami na nila Feeble at Seph ang pupunta sa Naghaso city.” sabi ni Drown.

“Hindi.” pagtutol ni Stalwart.

“Sasama kami.” sabi naman ni Frail habang nakasakay kay Tyke.

“Frail, manatili na lang kayo dito.” sabi ni Seph.

“Karapatan naming malaman ang kalagayan ni Stout.” sabi ni Frail.

“Kung ganon, wala na akong magagawa. Feather, inaasahan ko ang kooperasyon n'yo at pati ikaw na rin Lost. Babalik din kami kaagad.” sabi ni Drown at isa-isa na silang pumasok.

“Frail.” tawag ni Axel sa kanya. “Wala ako sa tabi mo kaya mag-ingat ka.”

“Heh. Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo. Babalik kami kaagad.” sabi ni Frail at pumasok na sila sa void.

Nagsara naman ito at naiwan ang mga Fallen Warriors kasama ng anim na Fairy Ring. Napaupo naman si Axel sa gilid at napabuntong-hininga.

“Axel, naiintindihan mo naman na hindi tayo pwedeng umibig sa mga tao, di ba?” sabi ni Feather.

Napatingin naman si Axel kay Feather. “Paulit-ulit ka na lang. Wala akong ibang nararamdaman para kay Frail. Nagsasabi ako ng totoo. May mabigat akong responsibilodad na kailangan tuparin. Hindi lang si Tauri ang humiling na protektahan ko si Frail…” sabi niya at tumayo na siya.

“Sino pa?”

“Ang ina niya.” sabi ni Axel at pumasok na sa isang tolda.

* * *

Lumabas sila Feeble sa void at saktong nakita niyang may nakabalot kay Stout na pulang bola.

“STOUT!” sigaw ni Feeble.

Pinigilan naman siya ni Stout na lumapit sa kanya.

“H'wag. H'wag kayong lumapit sa akin. Baka saktan ko kayo.” sabi ni Stout habang hawak niya ang dibdib niya.

“Stout, tutulungan kita.” sabi ni Feeble.

“Hindi, hindi mo ako tutulungan. Kaya ko ito.” sabi ni Stout.

“Ikaw ba ang may gawa n'yan sa sarili mo?” tanong ni Drown.

Tumango lang naman si Stout. “Sinusubukan kong kontrolin ang magos ko para di ko kayo masaktan.” sabi pa niya.

“Hindi mo kailangan lumaban mag-isa.” sabi ni Feeble at lumapit siya ng konti kay Stout.

“H'wag.” sabi ni Stout.

Inabot ni Feeble ang pulang bola na nakapalibot kay Stout. Hindi siya tumogil na abutin si Stout kahit na parang nasusunog na ang balat niya.

“Feeble, tama na.” sabi ni Stout habang patuloy si Feeble sa ginagawa niya.

“Hindi na baleng magkaroon ako ng peklat ako kung ikaw rin naman ang dahilan.” sabi ni Feeble habang nakangiti at nahawakan na niya ang kamay ni Stout.

Sa loob ng bolang iyon ay parang nasusunog si Feeble. Wala naman magawa sila Drown kundi ang pagmasdan lang ang katapangan ni Feeble.

“Stout, mahal kita kaya hindi ako papayag na mawala ka.” sabi ni Feeble habang balot na balot siya ng apoy ni Stout.

Nagulat naman ang lahat sa deklarasyon ng pag-ibig ni Feeble para kay Stout. Hindi naman na nakatingin pa si Frail sa sobrang hiya sa sarili.

Maya-maya pa ay hinalikan ni Feeble si Stout.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now