Eighteen

241 7 0
                                    

“Huh?” tanong ni Frail at nakita niya na hawak ni Just si Drown sa leeg.

Agad namang pinutol ni Echo sa dalawa ang malaking seaweed na ginawa ni Frail dahilan para masugatan si Frail sa hita niya at bumagsak siya sa barko.

“F-Frail.” sabi ni Seph.

Nakita niyang nakahandusay ang lahat ng kaibigan niya sa lapag. Bali ang paa ni Feeble. Wala naman malay si Stout na mukhang malakas ang pagkakabagok. Si Seph ay halos hindi rin makakilos dahil tinamaan siya ng kung ano sa tagiliran niya. Nanginginig sa takot si Frail nung makita niya iyon. Agad siyang tumayo.

“Hm? Ano 'to? Hindi ka naniniwala na kaya namin kayong patumbahin?” tanong ni Just habang hinihigpitan niya ang sakal kay Drown.

“Fufufu. Napakahina n'yo.” sabi ni Echo.

“Isuko mo na ang sarili mo. Mamatay ka na rin kasama ni Drown.” pag-aaya ni Just.

“Frail. Ma-makinig ka. H'wag mo akong alalahanin. Patayin mo sila.” utos ni Drown habang pilit niyang tinatanggal ang kamay ni Just sa leeg niya.

“Tsk. Magagawa ko bang hindi ka pansinin?” sabi ni Frail at itinaas niya ang mga kamay niya at nagkaroon ng itak sa harap niya.

“Hmm? Gagawin mo yan kahit buhay niya ang kapalit?” sabi ni Just at lalo niya pang hinigpitan ang pagsakal at umuubo na si Drown.

“Hindi n'yo ako matatakot.”

“Kahit gawin namin 'to sa kanila?” tanong ni Echo at isa-isa niyang sinapa ang mga kaibigan ni Frail.

Isang mabigat na desisyon ang kailangan bitawan ni Frail. Hindi na niya kaya pang pahirapan ang mga kakampi niya.

“Oooooyyy. Handa na kami!” sigaw ni Eric sa baba ng barko.

Lumingon sandali si Frail at napalingon din si Just at Echo. Mabilis na kumilos si Frail. Isa-isa niyang hinagis ang mga kasama niya sa maliit na barko ni Eric. At nung kukunin na ni Frail si Stalwart ay sinuntok niya si Echo sa mukha at umaray ito sa sobrang sakit.

“Aaaahh!” sigaw ni Echo at napansin ito ni Just.

Hinagis niya si Stalwart sa maliit na barko.

“Kayo na muna ang bahala sa kanila. Mamaya na ako manghihingi ng tawad sa kanila.” sabi ni Frail.

Isa sa mga itinatago niyang lakas ngayon ay ang mabilis niyang pagtakbo. Agad siyang pumunta kay Just at pinutol niya ang kamay nito. Sinalo niya si Drown na ubo nang ubo. Hinagis niya si Drown kay Eric. Umatake si Echo mula sa likod niya. Kahit sobrang sakit naman ng putol na kamay ni Just ay sumugod pa rin siya.

“Sisiguraduhin kong ngayon ang huling pagkakataon para titigan ang araw.” sabi ni Frail.

Lumingon naman si Echo sa taas. “Eh? Mukha ngang uulan eh.” sagot niya.

“Tsk.”

Pumunta sa malayo si Frail at inilabas ang bow-and-arrow niya. Sa ulo. Sa ulo ang kahinaan nila. Bago niya pa man mapakawalan iyon ay may sumaksak na tatlong ax sa kanyang likod. Hindi siya nasindak sa dugo na tumatagaktak mula sa kanya.

“Haha. Hindi lang kami ang dapat mamatay rito.” sigaw ni Just.

Tumayo ka ng maayos at itapat mo sa ulo ng bestia ang palaso.”

Naalala bigla ni Frail ang sinabi sa kanya ni Ryeth noong una silang nagkita. Nainis siya at nilakasan pa ang pwersa sa kanyang mga palaso. Pinakawalan niya ito. Iiwas pa sana si Just at Echo nung pinuluputan sila ng seaweed. Sinubukan nilang tumakas pero panay pa rin ang pagbalik ng mga ito.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now