Thirty-Seven

186 7 0
                                    

“Airy, nagbalik ka.” wika ni Fade.

Hm. Haha. Mukhang marami akong nalampasan na mga okasyon ah.” sabi ni Airy at tinaggal niya ang hood niya. Nasa Silent city sila ngayon.

“Oh. Airy, maligayang pagbabalik.” sigaw naman ni Helium.

Nakita ni Airy na maayos ang lagay ng mga naiwan na Fallen Warrior. Isang linggo ang lumipas bago siya bumalik sa Silent city.

Maraming salamat. Kamusta—”

“Mama! Inaaway na naman ako ni Dye.” sigaw ni Faint.

“Mama? Dye?” pagtataka ni Airy habang nakatitig kay Faint.

“Ah. Anak namin. Si Faint.” pagpapakilala ni Helium.

“Siya na ba yon?” tanong ni Airy.

“Si Dye naman ang kapatid mo. Hindi mo ba siya nakilala?”

“Huh? Hindi. Kapatid ko?”

Oo. Anak ni Master Pen at Geo.” sabi pa ni Helium.

“HUH? Teka, bakit hindi sinabi sa akin nila papa ito?”

“Haha. Dahil alam nilang hindi ka aalis kapag nalaman mong may kapatid ka. Mas matanda pa siya kaysa sa anak namin ng tatlong taon.” sabi ni Risk.

Anak n'yo?” tanong ni Airy.

“Si Peril ang anak namin ni Kill.” sagot pa ni Risk habang nasa likod niya si Kill.

Papunta na sila Pipe.” sabi ni Fade. “Risk, nandito na pala kayo.”

Anak. Magpakilala ka. Tita mo siya at magiging asawa siya ni Tito Drown mo.” sabi ni Helium.

Hmp. Ayoko. Pagalitan n'yo si Dye.” pagmamaktol ni Faint.

Lumapit si Airy kay Faint at kinalabit ito.

Kamusta? Ako si Airy. Ikinagagalak kong makilala ka.”

“Mama. Sige na. Gamitan n'yo siya ng magos n'yo.” sabi ni Faint at hindi pinansin si Airy.

“Huh? Fade, nakakagamit na kayo ulit ng magos?” tanong ni Airy.

Oo pero hindi namin ito ginagamit basta lang dahil may isang pangitain ang nakita ni Risk sa hinaharap at kailangan niya ang buong magos ng lahat para magbabala sa hinaharap.”

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now