Thirty-Two

197 8 0
                                    

Nangongolekta ng mga kahoy si Seph at Feather kasama ang mga grupo na pinamumuunuan niya. Ang kalahati ng mga Fallen Warrior.

“Feather, may gusto sana akong sabihin sa 'yo.”

“Ano yun?” tanong ni Seph kay Feather.

“Kung sakaling hanapin ko si Ancestor Drown, anong mangyayari sa mga mata ko?” tanong niya.

“Mabubulag ka.” sabi ni Feather pagkatapos niyang tumahimik.

“Haha. Hindi na kita makikita kung ganon?” sabi ni Seph.

“H'wag mong gawin yan. Alam kong may iba pang paraan.” sabi ni Feather.

“Wala na. Wala ng oras. Hindi na natin kayang maghintay pa ng ibang paraan.” sabi ni Seph.

Lumapit naman si Feather kay Seph at hinawakan niya ang mukha ni Seph.

“Matagal na kitang binabantayan. Panahon na para pabayaan ka. Hindi ko kokontrahin ang desisyon mo. Titigan mo na ako ha.”

“Bakit ko gagawin yon? Aalis ka ba?” tanong ni Seph at hinawakan niya rin ang mukha ni Feather.

“Hm. Pagkatapos ng misyon n'yo, tapos na rin ang misyon namin.” sabi ni Feather habang nanginginig ang boses niya.

“Anong ibig mong sabihin?”

“H'wag mo munang alalahanin yon. Dapat nagkokonsentreyt ka sa misyon n'yo.”

Bumitaw si Feather at naiwan lang naman si Seph na nakatayo lang. Naglalakad na si Feather pabalik nung nagsalita si Seph.

“Gagawa ako ng paraan para hindi mawala ng tuluyan ang paningin ko. Hindi ako papayag na hindi kita makita pag-umalis ka na.” sabi ni Seph.

Hindi naman lumingon si Feather at tumuloy na sa paglalakad.

* * *

Bumalik na sila sa Hermit city dala ang maraming suplay ng mga kahoy. Pumasok si Seph sa kwarto niya at doon niya ginawa ang paghahanap kay Drown. Sinubukan niya ang mga gamit na nakita niyang dala ni Drown pero lahat iyon ay nakita niyang nakakalat sa buong Fairy Land.

Tagaktak na ang pawis ni Seph at mabigat na ang bawat paghinga niya.

“Ito… ito na lang ang paraang naisip ko.” sabi ni Seph.

Pumikit siyang muli at isang imahe ni Drown ang nabuo sa kanyang isip. Maya-maya pa ay parang hinatak siya ng void. Dinala siya ng agos ng void kung saan-saan.

“AAAAAHHHHHH!” sigaw niya.

Narinig nila ito ay agad nilang binuksan ang pinto. Tumambad sa kanila ang nagawawalang si Seph.

“Seph!” sigaw ni Feeble.

“Walang lalapit!” sabi ni Seph.

Sigaw lang nang sigaw si Seph hanggang sa… tumigil siya sa isang lugar.

“Timog…” panimula ni Seph. “…Sa gitna ng mga bundok… may isang kweba… isang lagusan patungo sa lugar ni Ryeth… isang kwarto.” sabi ni Seph at bumalik na siya sa sarili niya. “Nandon si Ancestor Drown.” sabi niya at bumagsak siya.

“Seph!” sigaw ni Feather at lumapit siya.

Lumuluha ng dugo ang mga mata ni Seph. Ang mga mata niyang kulay kayumanggi ay namumuti na. Hinawakan niya ang mukha ni Feather.

“Pasensya na kung hindi na kita makikita.” sabi ni Seph.

“H'wag mong isipin yon. Ginawa mo nang tama ang tungkulin mo.” sabi ni Feather at nawala na ang malay si Seph.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now