Thirty-Three

182 7 0
                                    

* Pagkatapos ng laban nila sa mga Major Fairy Rings *

Nagpatuloy si Airy na hanapin ang mga nawawalang Minor Fairy Rings sa tulong ni Feather.

“Master Airy. Nahanap ko na po si Axel.” sabi ni Feather.

“Ah? Ah, sige. Pabayaan muna natin siyang matulog.” sagot ni Airy habang naglalakad sila sa kagubatan.

Sa dulo ng kagubatan ay muling nakita ni Airy ang lagusan na kanyang pinasukan noon. Nakita niya ang lagusan na simula ng lahat. Hinawakan ni Airy ang lagusan at nagliwanag ang kamay niya.

“Master?” tawag sa kanya ni Feather.

Agad naman tinanggal ni Airy ang kamay niya sa lagusan.

“Feather. May problema ba?” tanong ni Airy.

“Gu-gusto n'yo po bang lumabas ng Fairy Land?” tanong ni Feather.

Hahaha. Hindi ko naman makikita sa kabila si Drown.” sabi ni Airy at lumayo na sa lagusan.

Malungkot. Yan ang mailalarawan kay Airy ngayon. Kulang ang buhay niya dahil nananatili si Drown na natutulog.

Pasensya na po.” sabi ni Feather.

“Wala iyon. Ilang taon na ang nakalipas noong unang matulog si Drown. Hahaha. Kaya ko pa naman. Kaya ko pa.” sabi ni Airy at pinipigilan niyang umiyak.

* * *

Ngayon ang araw na ito bibisitahin ko si Fade. Gusto mo bang sumama?” tanong ni Airy kay Feather.

“Ah. Mauuna na po ako sa bahay para maipaghanda ko kayo ng hapunan.” sabi ni Feather.

Ganon ba? Sige, mauna na rin ako.” sabi ni Airy.

Nagpunta nga siya sa bahay ni Fade malapit sa Silent city. Naabutan niyang nagsisibak ng kahoy si Fade.

“Eh? Fade, bakit ka nagsisibak ng kahoy? Nasaan si Helium? Ayyy. Buntis ka pa naman.” sabi ni Airy at kinuha niya ang itak kay Fade.

Shhh. H'wag kang maingay. Nasa likod ng bahay si Helium. At isa pa, hindi ako mapakali kung uupo lang ako at maghihintay na lumabas si Faint.”

Inalalayan naman niya si Fade na umupo sa isang upuan na nasa balkonahe ng bahay nila.

Kamusta ka?” tanong ni Fade kay Airy.

“Eto. Patuloy na naghahanap sa mga Minor Fairy Rings.” sabi ni Airy.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now