Nine

297 8 0
                                    

Isang napakalakas na magos ang nilalabas ni Frail. Halos matangay na si Seph at Stout kundi dahil sa magos ni Gravity. Isa sa mga Minor Fairy Rings. Bago pa man pakawalan ni Frail ang hawak niya ay pumwesto si Seph sa gitna ni Frail at Ryeth.

"Ahaha. Akala mo ba mapipigilan mo si Frail sa ginagawa niya?" tanong ni Ryeth kay Seph.

Gumagawa naman ng chant si Seph na magkukulong sa hindi makontrol na magos ni Frail. Itinapat niya ang kanang kamay niya kay Frail.

"LOCATE." sabi niya at...

* * *

Si Frail ay nagulat nung makita niya ang isang pamilyar na lugar. Ang lagusan. Sinubukan pa niyang pumasok ulit pero pilit siyang itinatapon nito papalabas. Tinignan niya ang mga kamay niyang nanginginig. Napaupo na lamang siya sa lapag nung napagtanto niyang hindi niya makontrol ang magos niya at hindi siya makapasok sa Fairy Land.

"Frail?" tanong ng boses ng babae sa kanya.

Napalingon siya dahil akala niya ay wala ng makakakilala sa kanya. Nakita niya si Josephine at Shaina.

"Ilang araw na ako nawala?" tanong niya.

"Eh? Mula nung nag-usap tayo? Wala pang tatlong araw." sagot ni Josephine.

"Tatlong araw pa lamang ako sa Fairy Land. Ibig sabihin normal ang lahat pag nasa loob ako." sabi ni Frail.

Tumayo siya at susubukan ulit na pumasok sa loob ng gubat nung pinigilan siya ni Shaina.

"Teka. Anong ginagawa mo? H'wag mong sabihin na papasok ka ulit sa loob."

"Eh? Yun ba yung ibig niyang sabihin nung sinabi niyang nawala siya?"

"H'wag tayo rito mag-usap." sabi ni Shaina at hinatak nila si Frail.

* * *

"Eh? Pumasok ka talaga sa Fairy Land at inilabas ka ng isang lalake?" tanong ni Josephine matapos magkwento ni Frail.

"Tama lang ang nangyari sa iyo." sabi ni Shaina na ikinagulat ni Frail at Josephine.

"O-oy. Shaina. Ano bang nangyayari sa iyo?"

"Hindi mo dapat pinangunahan ng galit ang laban ninyo. Inisip mo lang na patayin siya dahil pinatay niya ang mga magulang mo. Nag-isip ka sana muna."

"Huh?" tanong ni Frail. "Ano bang sinasabi mo?"

"Ang sinasabi ko. Hindi ka makakabalik nang Fairy Land dahil hindi ka pa handa na kalabanin siya ulit."

"Pero handa akong patayin siya."

"Handa kang patayin siya pero hindi ka handa sa mga consequence na nakahanda pag natalo ka. Paano na lang kung sa pagmamalabis mo sa kapangyarihan mo ay may madamay sa paligid mo? Nag-iisip ka ba?"

Bigla na lang naalala ni Frail si Stout at yung isang lalake na kaharap niya kanina. Muntik na siyang makasakit.

"Apat na araw." sabi ni Shaina.

"Eh?"

"Kaya mo bang magpalakas nang apat na araw?"

"Hm." sagot ni Frail. "Ah. Sorry sa inasal ko. Gusto ko lang kasi na malaman ang katotohanan."

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now