Twenty-Three

221 8 0
                                    

Hermit City

“Nandito kayo para magsanay.” sabi ni Drown.

“Anong klaseng pagsasanay?” tanong ni Frail.

“Simple lang. Gawin n'yo ang city na ito na pwedeng tirhan ng mga tao ulit. Gagawin natin itong kaharian ng Hilaga.” sabi ni Drown.

“Simple nga lang.” sabi naman ni Stout.

Bigla namang ngumisi si Drown.

“Mukhang hindi maganda ang ngiting iyan.” sabi ni Seph at napaatras ng konti.

“Hindi ko pa nagagawa ito sa buong buhay ko.” sabi ni Drown.

“Pwede bang h'wag mo ng ituloy yan?” sabi pa ni Feeble.

“Gusto kong ayusin n'yo ang syudad na ito na hindi gagamit ng kahit anong klase ng magos n'yo.” sabi ni Drown.

“Imposible yon. Isa pa, hindi ba dapat doon kami sa ikalalakas namin?” tanong ni Frail.

“Tama si Drown. Kaya natin gagawin ito ay hindi para sa mga magos n'yo. Gagawin natin ito para palakasin ang pisikal at mental natin.” sabi ni Stalwart.

“Tama si Stalwart. Ang sino man sa inyo ang lumabag sa utos ko ay makakatanggap ng parusa. Babantayan kayo ng mga Fairy Rings. Hindi n'yo pwedeng gamitin ang magos n'yo hangga't wala pa akong sinasabi.” sabi ni Drown at lumabas si Gravity at Feather.

“Mukhang tulog pa si Axel.” bulong ni Gravity kay Feather.

“Maiwan ko muna kayo.” sabi naman ni Drown.

“Teka. Saan ka pupunta?” tanong ni Frail.

“Mamimili ako ng kakainin natin mamaya.” sabi ni Drown at umalis na.

* * *

Sa palengke habang namimili si Drown ng gulay. Naisipan ni Drown na dumaan sa kaharian. Nakita niya na sira na ang buong kaharian at hindi kailanman ito maibabalik sa dati. Kinuha niya ang mga importanteng mga gamit sa nasirang kaharian. Ipinasok niya ito sa void at inilabas mismo sa Hermit city. Agad bumalik sa pamimili si Drown. Sa kanyang pagbabalik ay may nabunggo siyang isang taong nakahood. Bumagal ang takbo ng oras. Tinignan ni Drown kung sino ang nabunggo niya at laking gulat niya nung nakita niya kung sino iyon.

“Teka, sandali lang!” sigaw niya.

Tumigil naman ang nakahood.

“Ikaw ba yan?” tanong ni Drown at sinusubukan niyang lumapit sa nakahood.

Lumingon naman ang nakahood at hinarap siya. “Hindi ako ang hinahanap mo.” sabi niya. “Ako si Ryeth.” pagpapakilala niya.

Nagulat si Drown sa naaninag niya. Basag ang mukha ni Ryeth. Hindi naman siya umatras nung naramdaman niya ang magos na kumakalat mula kay Ryeth.

“Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi pwedeng magkamali ang nararamdaman ko. Ikaw yan.”

“Isa kang hangal. Hindi ba dapat tumakbo ka na? Nakakaramdam ka ng malakas na magos mula sa akin. Isa pa, dapat naghahanda kayo sa muli nating paghaharap-harap.”

“Bakit? Bakit ka nandito? Hindi ba pinatay mo na ang sarili mo?” tanong ni Drown.

“Pinatay?” tanong ni Ryeth.

Kumuha ng kutsilyo si Ryeth mula sa lamesa sa tapat niya at sinaksak niya ang sarili niya. Ilang ulit pa niyang ginawa iyon. Tinanggal niya ang lahat ng suot niya at ipinakita niya kay Drown ang nangyari sa kanya. Walang mga sariwang sugat pero puno siya ng peklat.

“Isa akong imortal. Kung gusto n'yo akong talunin, dapat humahanap kayo ng paraan para matalo ako.” sabi ni Ryeth at nagsuot na muli siya ng damit.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now