Four

413 9 0
                                    

Nagpaalam na si Frail sa mga kaibigan niya. Pumasok na siya sa Fairy Land. Umuulan ngayon dito. Sobrang dilim ng paligid at wala siyang makita. Naglakad lang siya nang naglakad. Bigla na lang kumidlat at nakakita si Frail ng isang bakanteng bahay. Pumasok siya doon. Naghanap ng kandilang pwedeng buksan. Nakakita siya at binuksan iyon. Nakita niya ang bahay na iyon na mukhang may nakatira dito mga ilang linggo lang ang nakalipas.

“Sino ka?” tanong ng boses sa kanya.

Agad lumingon si Frail pero wala siyang nakita.

“Bakit ka nandito sa bahay ko?” tanong ulit nung boses. Boses ito ng isang lalake.

Lumingon ulit si Frail sa likod niya pero wala siyang nakita.

“Anong pakay mo dito?” sabi pa ulit ng boses.

“Teka. Sandali lang. Pwede ka bang magpakita sa akin. Nakakahilo ang ginagawa mo eh.” sabi ni Frail.

“Isa kang ordinaryong tao.” sabi nung lalaki.

Nung lumingon si Frail at itinapat ang kandila sa tapat nung lalake ay nakita niya si Darwin.

“Da-Darwin? Bakit ka nandito?” tanong ni Frail.

“Darwin? Hindi yon ang pangalan ko. At bakit ka nasa bahay ko?”

“Uhm. Ako si Frail Reedus. Nakikisilong lang ako sa bahay MO. At nandito ako sa Fairy Land para hanapin kung sino ako. ULIT, nandito ako sa bahay mo para sumilong.” sagot ni Frail sa lahat ng tanong nung lalake

“Ako si Stout.” pagpapakilala niya at nagbukas ang mga kandila sa mga dingding ng bahay niya.

Nakumpirma nga ni Frail na kahawig niya nga si Darwin. Ngumiti siya pero mukhang masungit si Stout.

“Ito ba ang Fairy Land?” tanong ni Frail.

“Saan ka nanggaling? Halatang hindi ka mula dito.” sabi ni Stout.

“Ahaha. Mukha nga. Galing ako sa ordinaryong mundo. Ayoko namang magsinungaling sa 'yo.”

“Matulog ka na muna. Patilain natin ang ulan bago ko ipaliwanag at ipakita sa 'yo ang nangyayari dito sa Fairy Land.” sabi ni Stout at sumilip siya sa bintana.

“Uhm. Pwede bang magtanong?” tanong niya. Lumingon naman si Stout sa kanya. “Ilang taon ka na?” tanong niya pa.

“Labing-limang taong gulang na ko. Magpalit ka muna ng damit para di ka magkasakit. Kumuha ka ng damit sa baul na yon. Pagkatapos non, matulog ka na.” sabi ni Stout.

“Eeh. Mas bata ka sa akin, utos ka na nang utos.” sabi ni Frail.

“Huh?”

“Haha. Wala.”

Si Stout Multisy ay may tangkad na 4'7. Ang buhok niya ay pinagsamang kulay berde at kulay lila ang mga mata niya. May suot siyang damit na panglakbay. Nakakabit sa kanyang bewang ang isang malaki at mahabang espada pandigmaan.

* * *

“Hoy, gumising ka na.” sabi ni Stout kay Frail.

Naalimpungatan naman si Frail at bumangon.

“Umaga na ba?” tanong niya.

“Kailangan na nating umalis dito. Magsisilabasan na ang mga bestia.” sabi ni Stout.

“Bestia?” tanong ni Frail.

“Mga halimaw na may anyong lobo pero mas malaki ito kumpara sa mga ordinaryo lang.”

“Eh?”

“Hindi basta-basta ang mga iyon dahil isa lang ang layunin nila…” sabi ni Stout sabay tingin sa mga mata ni Frail. “…ang pumatay.”

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now