Fourteen

254 7 0
                                    

"Anak. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng papa mo." sabi ng isang babae kay Frail.

"Iiwan n'yo po ba ako?" tanong ni Frail.

"Kailangan mong tumayo gamit ang sarili mong mga paa. Anak, hindi lahat nang oras ay nandito kami sa tabi mo. Maging matatag ka sa lahat ng pagsubok na kakaharapin mo." sabi pa ng lalake.

* GASP *

Nagising si Frail sa gitna ng gabi. Tumatagaktak ang kanyang pawis. Hingal na hingal at halos hindi makahinga. Agad siya tumayo at lumabas sa tulugan niya. Umuubo siya pero sobrang hirap na hirap siya. Maya-maya pa ay nakita niya sa tabi niya ang asong iniligtas niya. Sa tabi nito ay nakita niya si Stalwart na may hawak na baso ng tubig. Inabot naman ito ni Frail at ininom.

"May nangyari ba?" tanong ni Stalwart.

Nakaupo sila ngayon sa harap ng tulugan ni Frail. Nakatingin sila parehas sa langit habang nag-uusap.

"May isang babae't lalake akong kinakausap sa panaginip ko. Siguro mga magulang ko."

"Hm. Hindi ko masasabi kung panaginip lang ba talaga yan o isang piraso ng alaala mo. Wala akong kwenta pagdating d'yan. Iba na lang pagkwentuhan mo n'yan. Kalimutan mo na lang na tinanong kita." sabi ni Stalwart at hinahaplos niya ang ulo nung aso.

Tumingin naman si Frail sa aso. Isang balita lamang ang nakapukaw sa atensyon ng aso. "Tyke." tawag ni Frail.

"Arf!" sagot ng aso.

"Hm? Hindi ko alam na may pangalan ang asong ito. Ang tanging alam ko lang ay ayaw ka niyang iwan."

Lumapit kay Frail ang aso.

"Ayaw iwan? Anong ibig mong sabihin?"

"Siya ang nagdala sa amin patungo sa iyo. Hindi siya mapakali kaya sumunod kami. Nakita ka naming may kausap. Nilapitan kita at nahimatay ka. Sa mga araw na tulog ka, hindi ka niya iniwan."

"Salamat." sabi niya habang hinahaplos rin ang ulo ng aso.

"Para saan?"

"Salamat dahil habang binabantayan niya ako ay binabantayan mo rin siya. Salamat." sabi ni Frail at tumingin siya kay Stalwart. Ganon din naman si Stalwart. "Teka. Nasaan nga pala tayo?"

"Hindi mo alam? Hindi mo maalala?"

"Ang alin?"

"Lahat kayo nahimatay, matapos natin makita ang isang kakaibang lalake at ang asong ito. Hinigop nito ang lahat ng magos n'yo. Hanggang ngayon, hindi pa gumigising ang iba." sabi ni Stalwart.

"Kakaibang lalake? Si Tyke?"

* * *

Noong nakaraang isang linggo...

Umalis na sila sa bahay ng Three Little Pigs noong gabing iyon. Sinusundan nila ang bituin na makinang na magdadala sa kanila papunta sa Pixie Hollow. Sa harap ng isang gubat sa kay Hilaga ay may nakasalubong silang isang lalake.

"Sino kayo?" tanong nung lalake.

"Sino ka?" tanong ni Frail.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now