Fifteen

225 8 0
                                    

“Hehehe.”

“Sinong nandyan?” tanong ni Frail.

Nasa gubat sila malapit na sa lagusan papunta sa baybayin. Nakarinig sila ng isang tawa ng babae.

“Sa lahat ng maiiwang buhay ay ikaw pa?” sabi pa nung babae.

Hinahanap nila kung saan nanggagaling iyon pero hindi nila mahanap iyon. Humanda silang lahat. Nakapabilog at nagmamasid ang lahat.

“Magpakita ka sa amin.” sigaw ni Seph.

Bumaba naman mula sa puno ang babae. Kulay pula ang buhok niya, mala-apoy ang mata, may asul na kapa at may hood, may scarf na nagiging espada, nakasuot ng red blouse at tokong.

Agad sumugod si Frail. Nilabas niya ang espada niya. Sasaksakin na sana niya ang babae pero nasalag ito nung babae. Nakangisi siya habang naglalaban sila na ikinagulat ni Frail. Umatras si Frail para bumwelo at sumugod muli.

“Heh. Pinakaayaw ko talaga ang ugali mo. Nakakairita.” sabi nung babae.

Umiwas siya sa atake ni Frail at dumiretso sa harap ni Drown.

“Drown!” sigaw ni Frail nung sinubukan niyang sundan ng tingin ang babae.

“Balita ko nawala ang alaala mo, ibig sabihin hindi mo rin ako naaalala?” tanong nung babae.

Lumingon ang babae sa gilid niya at naramdaman niya si Frail. Naramdaman niya ang isang enerhiya na katulad as babaeng iyon. Sa babaeng alam niyang malakas pero nagpakontrol sa iba. Sinalag niyang muli ang atake ni Frail. Iiwas na sana siya nung makita niya ang paa niya na may nakapulupot na ugat.

“Huh? Nagbibiro ka di ba?” sabi niya sa sarili niya.

Paparating na si Frail muli para sa isang atake. Pumikit na ang babae nung alam niyang wala na siyang kawala.

“Frail, sandali.” sabi ni Drown. Agad naman tumigil si Frail.

Binuksan ng babae ang mga mata niya at nakita niyang katutok sa kanya ang pinakadulo ng espada ni Frail.

“Hoo. Naligtas ako ron ah. Salamat Drown.” sabi nung babae.

“Sino ka? Bakit mo ako kilala?” sabi ni Drown.

Ibinaba naman na ni Frail ang espada niya at hinayaang mag-usap sina Drown.

“Ako si Red Riding Hood.” pagpapakilala niya.

“Huh? Pero bakit asul ang kulay ng hood mo?” tanong ni Feeble.

“Mas kilala mo ako bilang Red.” sabi ni Red kay Drown.

“Paano mo nalaman kung nasaan ako?”

“Huh? Balita sa Fairy Land ang paggising mo at ang pagdating ng mga bagong tagapagligtas.” sabi Red sabay tingin kay Frail. “Parehas kayong hindi pa handa.” sabi niya pa.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Frail.

“Parehas kayong nawawalan ng alaala, tama?” sabi ni Red. “Yan ang dahilan kung bakit hindi pa kayo handa.”

“Pwede bang magtanong?” sabi ni Feeble.

“Ma-mahal na Prinsesa. Anong ginagawa n'yo sa ganitong klaseng lugar?” sabi ni Red at lumuhod siya sa harp ni Feeble. “Ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong ni Red.

“Ah. Hindi mo na kailangan lumuhod. Gusto ko lang itanong kung bakit kulay asul ang iyong hood.” sabi ni Feeble muli.

“Ah. Bumalik ito matapos mamatay ni Airy. Nanumbalik ang sumpa sa Fairy Land na hindi ito magkakaroon ng happy ending. Kaya naman imbis na pula ito ay ginawa itong asul at hindi ko rin matandaan ang daan patungo sa bahay ng Lola ko.”

“Eh? Delikado ang Lola mo ngayon.” sabi ni Frail.

Nagulat si Red sa sinabi ni Frail. “Anong ibig mong sabihin?”

“Sa pagkakaalam ko ay may lobong gustong kumain sa Lola mo at pati na rin sa iyo. Kinain niya ng buo ang Lola mo pero maililigtas mo pa rin siya kung pupunta ka na ngayon.”

“Tsk. Hindi ko nga sabi alam ang daan.” sabi ni Red habang kinukwelyuhan niya si Frail.

“Seph. Pwede mo bang tulungan si Red? Pwede mo bang i-locate kung nasaan ang Lola niya?”

“Huh? Hm. Susubukan ko.” sabi ni Seph.

Panandalian siyang pumikit at hinanap ang lugar. Pagmulat niyang muli ng kanyang mata ay nagbuntong hininga siya. Hinawakan niya ang kanang mata niya na mukhang nanlabo.

“Seph. Ayos ka lang?” tanong ni Frail.

“Ayos lang.” sabi niya. “Mula rito ay babaybayin mo pabalik ang gubat na ito. Sa gawing kanan ay may makikita kang makitid na daan. Diretsuhin mo lang iyon at makakarating ka kaagad sa Lola mo.” sabi ni Seph.

“Salamat.” sabi ni Red at aalis na sana siya nung tinawag siya ni Drown.

“Red. Sino si Airy? Anong konektsyon ko sa kanya?” tanong ni Drown.

“Si Airy? Isang Fairy Warrior na matigas ang ulo. Gagawin niya ang gusto niyang gawin kahit buhay niya ang kapalit. Kadalasan mo siyang pinagsasabihan pero mas madalas na hindi ka niya pinakikinggan. Mahal mo ang taong iyon at ganon din siya sa iyo. Haha. Kahit naman makalimutan ng isip mo, alam kong hindi nakakalimutan ng puso mo si Airy. Magtiwala ka lang. Maaalala mo rin siya.” sabi ni Red at agad na siyang umalis.

Naiwang tulala si Drown.

“Si Ancestor Airy…” panimula ni Feeble.

“Pinatay niya ang sarili niya matapos mamatay nila Ancestor Fade.” pagtuloy ni Seph na ikinagulat ni Drown.

“O-oy Seph. Kailangan mo bang sabihin talaga iyon?” tanong ni Frail.

“H-huh? Hindi ba dapat hinihintay niya ako? Kung mahal niya ako, hihintayin niya ako.” sabi ni Drown habang nanginginig ang boses niya.

“Naubusan na siya ng oras. Sinukuan ka niya.” sabi pa ni Seph.

Lumapit na kay Seph si Frail at kinuwelyuhan niya ito.

“Hoy. Hindi ba dapat nating protektahan ang pinto na sinasabi mo? Bakit parang gagamitin mo ang magos ng pagkamuhi sa kanya?” galit na tinanong ni Frail.

Tinanggal naman ni Seph ang kamay ni Frail. “Tumingin ka nga sa paligid mo. Tignan mo kung may ibang gustong pumigil sa akin.” sabi ni Seph at kinuwelyuhan niya si Frail.

Tumingin naman si Frail sa paligid niya. Nakapamewang si Feeble. Naghahasa naman ng espada si Stout. Umiling naman sa kanya pabalik si Stalwart. Matapos niyang mapansin iyon ay itinulak siya palayo ni Seph.

“Kung sino man siya. Hindi nararapat ang nararamdaman kong ito sa kanya.” sabi ni Drown.

Nakatakip ang kanang kamay niya sa kanang bahagi ng kanyang mukha. Nagulat ang lahat nung makita nila ang magos ni Drown na sobrang kalat. Pinipigilan ng lahat ang kanilang panginginig mula sa ipinamamalas na kapangyarihan ni Drown.

“Paiiralin mo ang galit mo?” tanong ni Seph at lumapit siya ng konti kay Drown.

Agad tumigil ang pagkakalat ng magos ni Drown. At napaluha na lang sa takot si Feeble habang si Frail ay hindi makapaniwala sa kanyang nakita.

“Oo naman. Paiiralin ko ito.” nakangising sinabi ni Drown.

“Pero bakit?” sabat ni Frail.

“Ito ang tutulong sa akin. Ang galit ko sa sarili ko ang tutulong sa inyo.”

Nagkatinginan si Frail at Seph.

“Galit ka sa sarili mo? Tama ba kami ng narinig?” sabi pa ni Frail.

“Galit ako sa sarili ko dahil natulog ako ng napakatagal habang naghihirap silang lahat.” sabi ni Drown habang nakatingin sa kamay niya. “Lalo na si Airy. Sinukuan niya ako dahil ako ang unang sumuko sa kanya. Iniwan ko siya kaya naman nararapat lang na gawin niya rin iyon sa akin.”

Napaluhod na lang si Frail sa narinig niya. Hindi niya inaasahan na iba si Drown sa lahat ng nakilala niya. May lakas siya ng loob na hindi kayang pantayan ng iba.

“Huh? Frail, anong nangyari sa iyo?” tanong ni Drown.

“Masasabi ko lang… nakakatakot ka.”

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now