Ten

270 9 0
                                    

Gumagawa naman ng chant si Seph na magkukulong sa hindi makontrol na magos ni Frail. Itinapat niya ang kanang kamay niya kay Frail.

“LOCATE.” sabi niya at dinala niya si Frail sa labas ng Fairy Land.

“Haha. Ano ba ang ginagawa mo?” tanong ni Ryeth kay Seph.

Humugot si Seph sa hangin ng isang spear. Umikot siya at itinapon ang spear kay Ryeth. Agad itong nakuha ni Ryeth.

“Haha. Gusto mo ulit akong talunin? Gusto mo bang ipaalala ko sa iyo ang alaala mo sa akin sa huli nating laban?” tanong ni Ryeth at dinurog niya ang spear na hawak niya.

“Tch.” sabi ni Seph.

* snap *

Maya-maya pa ay unti-unting bumalik sa alaala ni Seph kung paano pinatay ni Ryeth ang mga magulang niya. Hindi niya alam ang gagawin niya.

“Seph!” sigaw ni Stout sa kanya.

Napalingon siya kay Stout na nakahandang lumaban.

“Seph. Hindi pa kayo handang kalabanin siya.” sabi naman ni Feather na biglang lumabas.

“Feather, bumalik ka sa pagiging weapon ngayon din.” utos ni Seph pero may sariling pag-iisip si Feather.

Nakita naman ni Ryeth si Feather at bumaba mula sa pagkakalutang.

“Tumabi ka.” sabi ni Seph.

“Hahaha. Alam ng Fairy Ring na iyan ang ginagawa niya. Hahaha. Tama lang na pigilan niya kayo. Hindi n'yo ako kayang talunin.”

Napalingon si Feather at naramdaman niya ang isang napakalakas na aura na hindi niya naramdaman sa loob ng mahabang panahon. Napaatras si Feather at sinusubukan niyang tignan ang mukha sa likod ng hood.

Wala namang pakialam si Stout at nagpakawala ng maraming sandata na ginawa niya. Napigilan naman ito ng isang pader na ginawa ni Ryeth.

“Habang nag-uusap kayo, nagawa ko na ang trabaho ko.” sabi ni Ryeth.

* snap *

Bigla na lang lumabas sa ere si Feeble na sobrang bugbog.

“Prinsesa Feeble!” sabay na sinigaw ni Seph at Stout.

“Feather!” sigaw ni Stout at agad naging pakpak si Feather.

Agad na kinuha ni Stout si Feeble na kamuntikan ng mahulog sa lupa.

“Ryeth!!! Anong ginawa mo sa prinsesa?” galit na tanong ni Seph.

“Ah. Dapat ko pa bang ipaliwanag sa inyo na nasakop ko na ang buong kaharian? Pinatay ko na rin ang hari.”

Nag-ipon ng magos si Seph. Hinigop niya ang hangin sa paligid. Nakahawak lang naman si Ryeth sa hood niya. Ibinaba na ni Stout si Feeble sa lupa at nagkatawang tao si Feather para pigilan si Seph pero huli na siya sa pagsasalita dahil desidido na si Seph na tapusin si Ryeth ngayon.

“Seph. H'wag mong hayaang masaktan ka.” bulong ni Feather sa sarili niya at pinakawalan na ni Seph ang malaking spear na magos niya.

Dahan-dahan inangat ni Ryeth ang kamay niya. Hinawakan niya ang dulo ng spear at agad itong naglaho. Kumurap si Seph at nasa tabi na niya si Ryeth.

“Heh. Akala mo ba, tatalab sa akin yan?” sabi ni Ryeth at sasaksakin na niya sana si Seph nung may nangyari sa kanya. “Hm?”

May hawak si Seph na kutsilyo na isasaksak niya sana kay Ryeth nung lumayo agad si Ryeth.

“Nakahanda akong mamatay para sa kalayaan ng lupain.” sabi ni Seph.

Matapos lumayo ni Ryeth sa kanila ay hinawakan niya ang mukha niya. Muli siyang tumingin kay Seph.

Fairies: The Last Mission (Book3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon