Thirteen

256 7 0
                                    

“Imposibleng si Frail iyan. Mahaba ang buhok non sa harapan at wala siyang magos.” sigaw ni Stout nung maalimpungatan si Frail.

“Base sa nakita natin habang kinalaban siya sa mga bestia ay halatang nasanay nga talaga siya sa mga panahong wala siya dito.” sabi pa ni Seph.

“Gising ka na pala?”

Napalingon si Frail sa gilid niya. Nakita niya ang isang lalakeng may katabing mahaba at malaking scythe at hawak naman niya ang iniligtas ni Frail na aso kanina.

“Si-sino ka?” tanong niya.

“Kumalma nga muna kayong dalawa. Nagising na si Frail.” sabi naman ng isa pang lalake. Si Drown.

Bumangon si Frail at napansin si Stout.

“S-Stout? Ikaw na ba yan?” tanong ni Frail.

Napalingon naman ang lahat kay Frail.

“Sinabi ko na sa iyo na si Frail iyan.” sabi ni Stout.

“Four years.” sabi naman ng isang babae sa harap niya at akmang sasampalin siya.

Nahihilo si Frail sa mga nakikita niya kaya pinulupot niya sila sa mga ugat. Isinama na rin niya ang three little pigs. Si Feeble ang napagtanungan niya.

“Sino ka? Anong sinasabi mong four years? Apat na araw lang akong nawala ah.” sabi ni Frail.

“Mawalang galang lang. Ako si Prinsesa Feeble. Apat na taon kang nawala. Duh, hindi mo ba napansin si Stout na lumaki na?”

“Oy. Para mo namang sinabi na ang liit ko noon.” singit ni Stout.

Naalala bigla ni Frail ang pagkakaiba ng dalawang mundo. Ang isang araw doon ay isang taon dito.

“Ah. Marami bang nangyari sa loob ng apat na taon?”

“Maraming nangyari sa loob ng apat na taong nagsasanay ka sa kabilang mundo.” sagot pa ni Feeble.

Nakita niya ang mukha ni Feeble. Nakita niya si Joyce. Nakita niya ang mukhang ni Feeble na nagtitiis na h'wag masaktan habang naaalala ang nangyari sa kanyang kaharian.

“Okay. Ayaw kong makita ang mukhang yan. Bumalik ako rito para tapusin ang sinimulan ko. Hindi para makita ang kaawaawa mong mukha.” sabi ni Frail at ibinaba niya na ang lahat mula sa pagkakapulupot sa mga ugat.

“Huh?!” sabi ni Feeble.

“Ako nga pala si Seph. Isang Fairy Warrior at air regulator. Paano mo natutunan gumamit ng magos? At isa ka pang earth regulator.”

“Mahabang kwento pero isa lang ang natatandaan ko. Biglang bumigat ang dibdib ko. Kumurap ako sandali at may nakita akong isang tao mula sa nakaraan ko. Maya-maya pa ay bigla na lang may mga tumusok sa buong katawan ko at napasigaw ako sa sobrang sakit. Nakita ko kung paano namatay ang mga tao sa Silent city habang nakikipaglaban kay Ryeth.”

“Sila Leader Maria?” tanong ni Stalwart sa kanya. Hindi agad ni Frail ang tanong niya dahil hinihintay pa niya na magpakilala si Stalwart. “Ah. Stalwart Ived. Isang Fallen Warrior.”

“Kung si Maria ang tinutukoy mo, oo.”

“Pagkatapos non?” tanong ni Feeble.

“Nakipaglaban ang lahat ng tao at itinago nila ang mga bata. Isa lang ang ipinagtataka ko. Matapos niyang patayin ang lahat ay umiiyak siya. Kabaliktaran nang kung ano ang ipinakita niya apat na taon ang nakalipas ngayon.” sabi ni Frail.

“At iyon ba ang dahilan kung bakit pinairal mo ang galit nung magkalaban kayo?” tanong ni Seph.

Tinitigan ni Frail si Seph. “Kasama na iyon don.”

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now