Forty

219 8 0
                                    

Minulat ni Ryeth ang mga mata niya at nakita niya si Drown na natutulog sa tabi niya. Umupo naman siya at nanatiling nakatulala.

Yoohoo.” sabi ng isang boses sa kanya.

Napalingon si Ryeth sa harap niya at nakita niya ang mukha niya. “Ako?” tanong niya.

“Ako si Ether.”

“Ether?”

Nais ko sanang humingi ng tawad sa iyo. Hindi ko aakalain na dahil sa mahaba kong pagtulog ay pagiging imortal mo ang kapalit.”

“Hindi lang pagiging imortal ang ibinigay mo sa akin.  Binigyan mo ako ng sakit. Sakit na Cold Wave.” sabi ni Ryeth habang nakasara ang mga palad niya.

“Cold Wav—”

“Ether. Pasensya na kung pinaghintay kita.” sabi ng isang lalake na nasa harapan niya ngayon.

“Drown?” tanong ni Ryeth.

“Ako si Hue. Mukhang mamaya pa magigising si Drown. Masyadong malakas ang magos ko kaya hindi na ako makakapagpaalam sa kanya.”

“Sandali lang. A-alam n'yo ba kung paano matitigil ang lahat ng ito?” tamong ni Ryeth.

Nagkatinginan sila Ether at Hue sa sinabi ni Ryeth.

Mukhang alam ni Drown kung paano matatapos ang pagiging imortal n'yo.”

“Hindi ang pagiging imortal ko ang tinutukoy ko. Ang Cold Wave. Paano ko ba matatapos ito?”

Masyado kang nag-iisip. Hayaan mong ang mga huling itinalaga mo sa posisyon na yan ang tumapos nang nasimulan mo.”

“Sa posisyon na 'to?”

Paano? Kailangan na naming umalis. Maghintay ka lang ng konti. May gusto pang makipag-usap sa 'yo.”

“Huh?”

Maya-maya pa ay unti-unti ng naglaho sila Ether at Hue. Nanahimik naman ang buong paligid ni Ryeth at naghintay nga siya. Makaraan ang ilang minuto ay nagliwanag ang paligid niya. Nagpakita sa harapan niya ang isabg pamilyar na mukha. Agad kumalas ang mga luha niya mula sa mga mata niya.

“Airy.” tawag sa kanya nung babae.

“Ryeth.” tawag rin niya.

H'wag kang mag-alala, hindi ka na guguluhin ng nakaraan mo.”

“Aalis ka na rin ba?” tanong ni Airy.

Kailangan ko ng bumalik.”

Aalis na dapat si Ryeth nung pinigilan siya ni Airy.

“Gusto kong humingi ng tawad sa iyo.”

Tawad? Para saan?” tanong ni Ryeth.

“Pinatay ko kayong lahat.” sabi ni Airy at yumuko siya.

Ngumiti naman si Ryeth. “Hindi ba dapat ako ang magsabi n'yan? Isa pa, ikaw, ako at si Ether ay iisa lang pero magkakaiba tayo ng tungkulin.”

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now