Nineteen

207 9 0
                                    

Matapos ang ilang linggo ng paglalayag…

“Nandito na tayo.” sabi ni Eric.

Lumabas ang lahat at tumingin sa kawalan. Nakakita sila ng void sa harap nila.

“Yan ang lagusan patungo sa Pixie Hollow.” sabi ni Eric.

“Maraming salamat sa tulong mo Eric.” sabi ni Drown.

“Ibinabalik ko lang ang tulong na ibinigay n'yo sa amin.” sabi ni Eric. “Ipinahahanda ko lang ang bangka na gagamitin n'yo sa pagpasok sa lagusan sa iyan.”

“Prince Eric. May gusto lang akong itanong sa inyo.” sabi ni Frail.

“Sige, ano ba yon?”

“Kung si Red Riding Hood ay nakalimutan ang daan papunta sa bahay ng Lola niya. Ano ang nakalimutan mo?” tanong niya.

“Nakalimutan ko?”

“Frail, ano ba yang sinasabi mo?” tanong ni Feeble sa kanya.

“Kailangan natin silang tulungan sa paghahanap ng happy ending nila.”

“Hindi ko matandaan ang pangalan niya. Yung babaeng nagligtas sa akin nung lumubog ang barko namin.” sabi ni Eric.

Ngumiti naman si Frail. “Si Ariel. Si Ariel ang babaeng iyon.”

“Ariel?”

“Muli kayong magkikita. Makikilala mo siya bilang isang pipi. H'wag na h'wag kang magpapasindak sa mga gagawin ni Ursula. Bago pa man lumubog ang araw sa pangatlong araw mula ng magkita kayo ay sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo. Sabihin mo na mahal mo siya.”

“Hindi kita naintindihan pero salamat sa impormasyon.” sabi ni Eric.

“Kapitan, handa ang bangka nila.” sabi ng isang seafarer.

“Nawa'y gabayan kayo ng Bathala ng hangin sa inyong paglalayag.” sabi ni Eric at kinamayan niya sila Frail.

* * *

Bumaba na sila sa bangka nila at naglayag patungo sa lagusan. Nang makapasok sila sa lagusan ay nakita nila ang Skull island na nasa gitna ng malawak na dagat. Sinundan nila ang makinang na bituin at napadpad sila sa isang dalanpasigan.

“Dito na ba talaga?” tanong ni Feeble.

“Sigurado ako. Nakita ko na ang lugar na ito.” sabi ni Frail.

“Oo. Ako rin. Pakiramdam ko galing na ako rito.” sabi ni Drown.

Maya-maya pa ay may nagpakita kay Drown na isang Fairy.

“Hue?” tanong ng Fairy.

“Huh? Hue? Ang pangalan ko ay Drown.” sagot ni Drown.

“Drown, sinong kinakausap mo?” tanong ni Frail.

“Isang fa—”

“Shh. Hindi nila maaaring malaman na kinakausap kita. Hindi kami maaaring makita ng mga tao.” sabi ng Fairy sa kanya.

“Ah.” sabi ni Drown at tumango siya. “Dito muna tayo magpapalipas ng gabi. Bukas na lang natin hahanapin ang Pixie Hollow.” sabi ni Drown. Nakinig naman ang lahat sa kanya.

Nagkatinginan sila dahil alam na nila kung bakit sila tumigil. Nahanap na ni Drown ang Pixie Hollow at pinaliwanag ni Frail sa iba na hindi maaaring makisalamuha ang mga Fairies sa tao. Naintindihan nila yon at sumunod na lang kay Drown.

“Bilog pala ang buwan ngayon.” sabi ni Feeble habang lahat sila ay nakaupo paikot sa maliit na apoy na ginawa ni Stout para sa malamig na gabi.

Fairies: The Last Mission (Book3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon