Thirty-Five

192 7 0
                                    

Kasalukuyang naglalakbay si Airy sa kalaliman ng kagubatan ng Timog. Kalahati na sa labing-dalawang Minor Fairy Rings ang kasama na niya ngayon. Sa paglalakbay rin na iyon, nakilala at sumama sa kanya sina Pyr, Hydor, at Aer.

“Nabalitaan kong tinulungan ka ni Era.” sabi ng Bestia-ng nasa harapan niya ngayon.

“Nabalitaan kong ikaw rin ang pinuno nila. Ang NeverBeast.” sabi ni Airy.

“Ikinagagalak kitang makilala, Airy. Ang makapangyarihang Sorcerer.” sabi niya at nagbigay-galang siya. “Ako si Reven, ang NeverBeast.”

“Sasama ka ba sa akin?”

“Makakaasa ka sa tulong ko.” sabi niya at nakipag-kamayan siya kay Airy.

Naglakbay pa sila sa kalaliman ng Timog hanggang sa mapadpad sila sa isang maliit na Bario na kung tawagin ay Bario Inu. Simple lang namumuhay ang mga tao dito. Isang babae ang lumapit sa kanya kasama ang anak niyang lalake.

“Maaari po ba naming malaman ang pakay n'yo sa aming Bario?” tanong nung babae.

“Kami ay manlalakbay lang na napadpad dito sa inyong Bario. Aalis din kami pagkatapos naming mahanap ang Fairy Ring na malapit dito sa inyo. Ako nga pala si Airy.” sabi ni Airy.

“Airy? Yung isa sa mga tumalo sa Fairy Rings?” tanong nung babae. “Ako nga pala si Kyte.” sabi niya.

Nakatitig lang naman si Airy sa binatang lalakeng katabi ni Kyte.

“At siya?”

“Ang anak ko. Si Tyke.” sabi niya.

“Ikinagagalak ko po kayong makilala. Kung may maitutulong ako sa inyo, ikalulugod ko rin po iyon.” sabi ni Tyke.

“Maraming salamat sa pagpapatuloy sa amin dito.”

“Kanina ko pa po napapansin. Mag-isa lang po kayo pero kanina n'yo pa po sinasabi ang 'kami'? May iba po ba kayong kasama?” tanong ni Kyte.

“Ah. Pagpaumanhin. Kasama ko ang kalahati sa Fairy Rings na hinahanap ko. Kasalukuyan ko kasi silang pinagpapahinga kaya hindi n'yo sila makita.”

“Ganon po ba? Halina kayo sa bahay namin.”

* * *

Nakaisang linggo na si Airy sa Bario Inu pero hindi pa rin niya mahahanap ang Fairy Ring na malapit sa Bario Inu. Mag-isa siyang nangangaso ngayon sa kagubatan ng Bario Inu. Napaluhod na lang siya nung nakaramdam siya ng naninikip ng dibdib. Lumalim din ang kanyang paghinga. Pinakiramdaman niya ang kanyang ngipin na nagsisitulisan gamit ang kanyang dila. Pinagmasdan niya ang mga ugat niya na naglalabasan.

“Cold Wave. Totoo ngang meron ako nito.” sabi ni Airy at isinuot niya ang hood niya.

Sa likod niya ay may bigla ring sumulpot. Lumingon siya sa likod niya at nakita niya si Kyte.

“Airy. Tulungan mo ako. Patayin mo ako.” sabi ni Kyte sa kanya.

Namumula ang mga mata niya. Naglabasan ang mga ugat niya. Nagsitulisan na rin ang mga ngipin niya. Nanlaki ang mga mata ni Airy nung nakita niya ito.

“Hindi ko gagawin yon.” sabi ni Airy at bumalik ang itsura niya sa normal.

“Airy. Ayokong saktan si Tyke. Nagmamakaawa ako sa iyo. Patayin mo na ako ngayon.” pagmamakaawa ni Kyte.

“Ayoko.” pagtanggi ni Airy habang umiiyak.

“Airy, sige na. Patayin mo na ako.”

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now