Thirty-Six

177 7 0
                                    

Nakabalik na si Airy sa Silent city at napapalibutan na ito ng mga Fallen Warrior. Ang mga Fairy Rings naman na kasama niya ay pansamantala niyang pinatulog sa isang subterranean malapit sa city.

“Hoy.” sigaw ni Maria sa kanya.

Nilingon naman siya ni Airy.

“Ikaw?”

“Maria.”

“Anong ginagawa mo rito? Hindi ba nasa malayong lugar ka ngayon at naglalakbay?” tanong ni Maria habang dahan-dahan siyang lumalapit kay Airy.

Nasaan ang mga bata?”

“Bata? Wala sila rito.”

“Kung ganon kayo na lang pala ang kailangan ko.”

“Para saan? Para maging alipin? Hindi.”

“Maria. H'wag mo na akong lokohin.”

“Kung gusto mo silang makuha, hindi ka dapat dito naghahanap. Makakalaban mo ako bago mo sila makuha.”

“Gusto mo ba talaga?”

Naglaban silang dalawa sa gitna ng plaza. Hinayaan naman sila ng mga nanonood. Natamaan si Airy sa kanang braso ng pinakawalang espada ni Maria. Naglabas naman ng ax si Airy at muntikan ng matamaan si Maria. Hinagisan si Maria ng spear at ibinaon niya ito sa paa ni Airy. Umaray ito at sinaksak siya ni Maria sa puso si Airy. Alam ni Maria na hindi matatapos dito ang lahat.

NGAYON NA!!”

Naramdaman ni Airy na lahat sila na nandon ay nadapuan na ng Cold Wave. Nagsimula ng tumulo ang mga luha niya. Sumugod ang lahat pero bago pa sila makarating kay Airy ay biglang tumigil ang oras. Bigla silang bumagsak sa paligid ni Airy at wala na silang buhay. Nakatingin si Maria sa mata ni Airy. Siya na lang ang tanging buhay sa lahat ng sumugod. Unti-unti itong bumagsak at doon na nagsimulang umiyak si Airy.

“Maria!” sigaw ni Airy.

“Airy, anong ginawa mo?” tanong ni Maria.

Sinalo naman siya ni Airy sa braso niya. “Ang mga bata. Sabihin mo sa akin kung nasaan sila para mailigtas ko sila sa gulong ito.”

Maya-maya pa ay namula ang mga mata ni Maria at nagsimula na siyang magwala. Ang kalahati ni Maria ay nasa wastong pag-iisip pa kaya naman ginawa niya ang nararapat. Kumuha siya ng matulis na bagay at inabot ito kay Airy.

“Ang mga bata… kasama sila ni Rin sa isang subterranean. Airy, h'wag mo na akong hayaan makasakit pa ng iba. Tapusin mo na ang buhay ko.”

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now