Forty-Three

224 8 0
                                    

“Ayoko na.” sabi ni Faery at lumuhod na siya. “Gusto ko ng manahimik.”

Hawak ni Faery ang isang mahabang espada at lumingon siya kay Airy.

Lumingon naman ang lahat at nabigla sila na nandon pala sina Airy. Agad lumapit sina Airy.

“Faery, anong gusto mong gawin ko?” tanong niya.

“Gusto kong patayin mo ako.” sabi ni Faery at inabot niya may Airy ang mahabang espada.

“Hindi ko gagawin iyan.” sabi ni Airy at umatras. “Frail, ikaw ang gumawa. Ito ang huling misyon mo.” utos niya.

Wala namang ibang sinabi si Frail at kinuha ang espada kay Faery. Lumuhod siya kasama ni Faery at tinitigan siya ng masama.

“Frail, humihingi ang ng tawad sa 'yo. Naging masamang bahagi ako ng buhay mo.”

Wala pa ring sinabi si Frail. Hinawakan niya ang dibdib ni Faery at unti-unting isinaksak ang espada sa dibdib ni Faery. Maya-maya pa ay nagiging abo na si Faery. Tumingin nman si Faery kay Ether at Base na masaya siyang hinihintay. Nang maging abo ang buong katawan ni Faery ay lumabas ang kaluluwa niya at muling naging bata. Niyakap niya ang mga magulang niya at nagpaalam na sa buong grupo ni Frail.

“Tapos na ba?” tanong ni Frail.

Lalakad na sana siya papunta kay Stalwart nung magsuka siya ng dugo. Aftershock ito ng Cold Wave.

“Frail!” sigaw ng lahat.

“Walang lalapit sa kanya.” pagpigil ni Airy at Drown.

Bigla namang lumabas si Helium at Fade.

“Hindi ko inaasahan na mangyayari ito kahit tapos na ang lahat.” sabi ni Fade.

“Fade, nasa inyo pa ba?”

Syempre nasa 'min pa yun. Hindi namin maaaring ipagwalang-bahala ito.” sagot naman ni Helium.

Gumawa ng malaking harang si Fade para walang makapasok sa loob nito. Nakikita naman ng lahat ang nangyayari kay Frail.

Anak, tiisin mo pa ng konti.” sabi ni Helium habang hawak niya ang likod ni Frail.

Umuubo lang si Frail ng dugo at halos wala ng kulay ang kanyang mga mata.

Sa kabilang banda, napansin na rin ni Airy na nagiging transparent sila ni Drown. Hinawakan niya ang kamay ni Drown ng mahigpit at hinintay na gumaling si Frail.

“Helium, maaari mo bang bilisan ng konti? Baka maubusan na si Faint ng dugo.” sabi ni Fade habang sinusuportahan niya si Helium sa kanyang ginagawa.

Sinusubukan ko.”

Naglabas si Helium ng mulay asul na espada at unti-unti itong itinuturok sa puso ni Frail. Nauubusan na ng dugo si Frail at tumataas din ang tsansa na hindi siya mabuhay.

“Helium.”

“Alam ko. Ililigtas ko ang anak natin.”

Kailangan niya ng dugo.” sabi ni Fade at halatang gusto na niya g umiyak.

Quari, tulungan mo kami.” tawag ni Helium kay Quari.

Agad lumabas si Quari.

“Anong maitutulong ko?” tanong ni Quari.

“Kaya mo bang makakontrol ng dugo?”

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now