Forty-Four

254 8 0
                                    

Minulat niya ang mga mata niya at una niyang nakita ang kisame na sobrang na-miss niya.

“Ether!!! Bumangon ka na d'yan. Baka ma-late ka.” sigaw ng mama niya sa kanya.

Bumangon siya at tulala lang. “Ether? Ether ba ang narinig ko?” tanong niya sa sarili niya.

Nag-ayos na siya ng sarili niya.

“Morning Ma.” bati niya sa kanyang nanay pagbaba niya sa kwarto.

“Morning. Kumain ka na ha.” sabi ng mama niya habang nag-aayos ng mga gamit niya pang-opisina. Tumingin siya sandali kay Ether at nakita niyang umiiyak ito. “Bakit ka umiiyak?”

“Huh? Ah. Hindi ko rin alam. Baka po naluha lang ako kasi matagal akong nakatulala.” sabi niya sabay punas ng luha niya.

Tumingin si Ether sa may bintana at tinignan ang mga truck na may mga gamit sa loob.

“Ma. Sinong lilipat d'yan sa kabila?” tanong niya habang kumakain ng sandwich.

“Mamaya na tayo mag-usap. Male-late ako. Bilisan mo na rin d'yan. Isarado mo lahat ha.” bilin ng mama niya.

“Sandali Ma. Ano po bang pangalan n'yo?” tanong niya.

“Lagi mo na lang kinalilimutan ang pangalan ko. Song, Song Valle ang pangalan ng mama mo.” sabi niya habang nakangiti at nagmamadali na siyang sumakay sa kotse niua at umalis.

“Hah. Panaginip ba 'to? Bakit naaalala ko pa rin ang Fairy Land hanggang ngayon? Totoo bang nandito na ako ulit? Teka, hindi talaga ako makapaniwala. Pati ang pangalan ko ay Ether at hindi Airy.” sabi ni Ether.

Tok! Tok! Tok!

Agad niyang sinagot ang pinto. Nakita niya ang isang babae na may hawak na pagkain habang may kasama naman siyang lalake sa likod niya.

“Maria? Rin?” tanong niya.

Nagkatininginan lang naman ang dalawa.

“Ta…ma. Kami nga. Paano mo nalaman ang pangalan namin?”

“Ah. Narinig ko lang mula sa bintana namin.” palusot niya. Mukhang ako lang ang may alaala tungkol sa Fairy Land.”

“Ako nga pala ang kapitbahay mo. Bagong lipat lang kami. Ano nga palang pangalan mo?” tanong ni Maria.

“Airy, ay mali. Ether. Ethereal Valle.” sabi niya.

“Nice to meet you.”

“Hala. Pasensya na kayo. Baka ma-late na ako sa school. Mauna na ako.”

Kinuha na niya ang gamit niya at isinara na niya ang pinto ng bahay niya. Tatakbo na sana siya nung huminto siya.

“Rin, alagaan mong mabuti ang kaibigan mo. Ano man ang magyari, ipaglaban mo siya.” sabi ni Ether at tumakbo na.

“Anong problema ng kapitbahay mo?”

“Ewan ko.”

* * *

Pumasok na si Ether sa school nila. Wala pang professor kaya nagdaldalan muna sila ng mga kaibigan niya. Natutuwa siyang makita si Shaina at Josephine.

“Si Shaina nga pala si Fade at si Josephine naman si Risk. Sino naman kaya si Bloom?”

“Oh my Gee. Ang ganda nung Frozen ah. Napanood n'yo ba?” tanong ni Shaina

“Oo. Ang ganda nung mga kanta. Pero mas favorite ko ang Tangled.” sabi naman ni Josephine.

Umupo naman si Ether sa tabi nila. “Hay naku. Fairytale na naman? Di pa ba kayo nagsasawa d'yan? Ang lalaki n'yo na ah.” sabat ni Ether habang nakangiti.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now